Ang anak ni German "Kuya Germs" Moreno na si Federico Moreno at ang karelasyon nitong si Harlene Bautista ang mga punong-abala sa pinaplanong concert reunion ng mga miyembro ng That’s Entertainment.
Ang That's Entertainment ang sikat na youth-oriented entertainment TV show ng GMA-7 na napanood mula Enero 6, 1986 hanggang Mayo 3,1996.
Apatnapung taon na ang nakalilipas mula nang ilunsad ni Kuya Germs ang naging matagumpay na programa sa telebisyo na nagbigay noon ng malaking oportunidad sa mga tulad nina Lea Salonga, Billy Crawford, Piolo Pascual, Jestoni Alarcon, Ian Veneracion, Janno Gibbs, Manilyn Reynes, Sheryl Cruz, Romnick Sarmenta, Tina Paner, Sharmaine Arnaiz, Ruffa Gutierrez, at marami pang iba.
Ang tagumpay ng SexBomb reunion concert, na susundan ng reunion show ng Viva Hot Babes sa New Frontier Theater sa Oktubre 23,2026, ang nagbigay ng inspirasyon kay Federico na ituloy ang balak niyang That’s Entertainment reunion concert.
Nakatakda itong itanghal sa Abril 1, 2027.

Read: ‘That’s Entertainment’ alumni reunite at Ricky Rivero’s wake
THAT'S ENTERTAINMENT ANNUAL REUNION
Noong Biyernes, Oktubre 16, 2026, muling nagsama-sama ang mga miyembro ng That’s Entertainment sa Viva Café, Quezon City, para sa kanilang annual reunion.
Kuwento ni Harlene sa Cabinet Files: "Yes, annual get-together namin yon. It started when Isabel Granada [March 9, 1976-November 4, 2017] passed on.
“Every year, we make sure na magkita-kita kahit papaano at kung sino ang mga puwede na makapunta.”
Naisip nina Harlene at Federico ang That’s Entertainment reunion concert para ipaalala sa henerasyon ngayon kung sino si Kuya Germs na nag-umpisa ng programang nagpasikat sa maraming artista noon at nananatiling popular hanggang ngayon.
Sina Harlene, Patricia Javier, Chuckie Dreyfus, Jojo Abellana, Jennifer Sevilla, Janet Arnaiz, Mutya Crisostomo, Don Umali, Jovit Moya, Kier Legaspi, Babyshake Rico, Jem Castillo, Jeffrey Santos, Lovely Rivero, Francis Enriquez, Ronnel Wolfe, at Glydel Mercado ang ilan sa mga dumalo sa That’s Entertainment get-together.
Nagsilbi rin itong pagdiriwang ng ika-40 taon ng dating popular na programa.
Read: Child actor Angelo Teves in ICU after being stabbed eight times; brother Matthew calls for justice