Marami sa mga nanood ng pangatlo at huling gabi ng Finale concert ni Regine Velasquez sa Mall of Asia Arena noong Lunes, Oktubre 19, 2026, ang nanghinayang dahil hindi nila nakita si Sarah Geronimo.
Nanghihinayang ang karamihan sa mga sumuporta sa huling gabi ng Finale dahil ito na sana ang kanilang pagkakataong mapagmasdan kung may katotohanan ang balitang buntis si Sarah sa magiging panganay nila ni Matteo Guidicelli.
Ang buong akala ng MOA audience, nagbibiro lamang si Ogie Alcasid nang sabihin nito kay Regine na, “Huy, ang dami-daming artista ang nanonood sa yo. Andiyan si Sarah Geronimo...”
“Nandiyan?” tanong ni Regine.
“Oo, andoon sa mga… dun sa taas,” sagot ni Ogie.
"Hi Sarah!" bati naman ni Regine.
Malakas ang hiyawan ng mga manonood nang banggitin ni Ogie ang pangalan ni Sarah.
Pero inisip nilang “It’s a prank” lamang ito ni Ogie dahil matagal nang balita pero walang kumpirmasyong buntis ang singer-actress kaya malabo ang posibilidad na panoorin niya ang concert ni Regine.
Pero totoo ang sinabi ni Ogie na kabilang si Sarah at ang mister nitong si Matteo sa Mall of Asia Arena audience.
Pero hindi sila napansin ng mga tao dahil nakapuwesto sila sa isa sa mga premiere o private suite sa Level 3 ng naturang concert venue.
Pero ang inakalang prank ni Ogie ang dahilan kaya nakunan ng video ng concertgoer na si Jose Carlo Ventosa ang pribadong panonood nina Sarah at Matteo sa huling gabi ng Finale.
Malinaw na makikita sa video na kumalat sa mga social media platform ang pagpalakpak nina Sarah at Matteo habang nagbibigay-pugay si Ogie kay Regine.
@jcarloventosa Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli spotted at Regine’s FINALE, Day 3! #sarahgeronimo #sarahg #matteog #RVAFinale #reginevelasquez ? original sound - Jose Carlo
Read: Boss Vic del Rosario comments on Sarah Geronimo pregnancy rumors
"THE GREATEST SINGER IN THE PHILIPPINES"
Paglalarawan ni Ogie sa asawa: The greatest singer in the Philippines.”
Pabiro ring sinabi ni Ogie: “You are the best singer in our house… No, in Bulacan.
"You are the best singer in the world.”
Nang humarap siya sa mga manonood, idinagdag ni Ogie: “She’s the best vocalist we have known in the world.
"Ladies and gentlemen, behold! Behold! Asia’s Songbird, Regine Velasquez!!”

Hindi pinalampas ni Sarah ang oportunidad na mapanood ang makasaysayang tatlong magkakasunod na gabi ng concert ni Regine dahil bahagi ito ng kanyang paglalakbay sa entertainment industry.
Si Regine ang host ng Star for A Night, ang talent search competition ng Viva na napanood sa IBC-13 mula Marso 2002 hanggang Marso 2003.
Si Sarah ang hinirang na grand champion sa nabanggit na patimpalak.
Read: Regine Velasquez: "Not fading," still shining after four decades