PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Wilbert Ross gets emotional watching Pee Mak with family in Davao

Wilbert Ross on Pee Mak's success: “Ito na yung harvest season.”
by Jojo Gabinete
Published 8 hours ago
wilbert ross pee mak
After a string of career milestones, Wilbert Ross is finally making time to celebrate. The actor plans to spend nine days in Sydney, Australia, calling the trip his gift to himself after a busy year of work.
PHOTO/S: Viva Artists Agency Facebook

Nagpapasalamat si Wilbert Ross sa lahat ng mga nanood at patuloy na tumatangkilik sa Pee Mak, ang surprise hit at launching movie ng loveteam nila ni Bea Binene.

Maligayang-maligaya si Wilbert dahil sa mga natatanggap na papuri ng Pee Mak at ang word of mouth na maganda at nakakaaliw ang kanilang pelikula.

Ang Pee Mak ang unang proyekto ni Wilbert na ipinalabas at napanood niya sa sinehan.

Kaya masayang-masaya ang kanyang pakiramdam nang umuwi siya sa Davao para sa special screening ng pelikula nila ni Bea sa Gaisano Mall Cinema noong Oktubre 18, 2026.

Ayon kay Wilbert, kasama niya ang kanyang buong angkan, high school at college friends sa espesyal na pagtatanghal ng Pee Mak sa bayan nila.

Kuwento niya sa Cabinet Files: “Grabe, nakikita ko po yung mga mukha nila na proud na proud sila para sa akin.

"And ako rin, sabi ko sa sarili ko, ‘Grabe, I’m so proud of you. Grabe yung pinagdaanan mo. Lumalaban ka pa rin kahit mahirap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"'Kahit minsan, ang mundo ay hindi masyadong pabor sa yo and, finally, ito na yung harvest season.'

“Grabe yung 2026 ko, as in sunud-sunod. I am so grateful and so blessed na nangyari lahat ito sa akin.”

Naluha ba siya?

Sagot ni Wilbert: “Yung mismong sa movie po, oo.

"Saka pagkatapos ng movie, naluluha ako every time na nagpapalakpakan at nagsisigawan yung mga tao na gandang-ganda sila.

“Alam ninyo po yung feeling na ‘Oh my God, ito yung bagay, ito yung project na nakaka-proud na ipagmayabang sa mga tao.

“Na hindi siya nakakahiyang ibida sa mga tao na, 'Panoorin ninyo itong movie ko, maganda ‘to.'”

Read: Sarah Geronimo spotted at Regine’s Finale concert amid pregnancy rumors

AUSTRALIAN VACATION

Ipinagdiriwang ni Wilbert ngayong 2026 ang ika-sampung anibersaryo ng kanyang showbiz career sa pamamagitan ng WRten by Wilbert Ross, ang concert niya na itatanghal sa Multi-Purpose Sports Complex ng Sta. Rosa, Laguna, sa Nobyembre 28, 2026.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para sa 10th showbiz anniversary niya, ang siyam na araw na pagpapahinga o pagbabakasyon sa Sydney, Australia, ang regalo ni Wilbert sa sarili dahil residente ng nasabing bansa ang kanyang kapatid.

Saad niya: “Yung pahinga po, yun lang. Yung pahinga sa Australia, yun na po talaga ang pinaka-gift ko sa sarili ko.

"Kasi after po ng concert ko noong July, Day 1 and Day 2, hindi ko po siya na-celebrate kasi dahil nag-taping agad ako para sa Luv U Lots.

“Sunud-sunod po yung mga blessing na natanggap ko so yung mga milestone ko, yung magagandang nangyayari sa akin, hindi ko po ma-celebrate kasi meron agad bagong projects.

“So, hindi ko pa siya nate-take in pa kasi, di ba, usually kapag merong nangyayari, halimbawa yung two-day concert, parang ilang araw mo siyang mararamdaman, yung saya, 'Wow, you made it, nagawa ko ito.'

“Pero dahil sunud-sunod nga po [ang trabaho], hindi ko pa siya nagagawa, so ibubuhos ko na po lahat sa Australia ang celebration po.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Imelda Schweighart draws flak for "homophobic" remarks; she claps back

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After a string of career milestones, Wilbert Ross is finally making time to celebrate. The actor plans to spend nine days in Sydney, Australia, calling the trip his gift to himself after a busy year of work.
PHOTO/S: Viva Artists Agency Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results