Isang victory party para sa tagumpay sa takilya ng Philippine adaptation ng Thai movie na Pee Mak ang ginanap sa Greyhound Café, Robinson’s Magnolia, Quezon City, nitong Huwebes ng tanghali, Oktubre 22, 2026.
Dumalo sa idinaos na victory party ang Viva executives na sina Veronique del Rosario-Corpus, Atty. Jillian Corpus, Val del Rosario; ang cast ng Pee Mak na sina Wilbert Ross, Bea Binene, TJ Valderrama, Jairus Aquino, Gian Bernardino, at Jerome Ponce; at ang direktor na si Victor Villanueva.
Pahayag ni Bea sa Cabinet Files, “For Viva to hold a victory party, ibig sabihin, somehow, it’s successful.”
Read: Pee Mak earns PHP40M in 7 days; The Fisher, Multwoh get cinema release
PEE MAK THAI DIRECTOR CONGRATULATES PEE MAK PH VERSION
Ikinuwento ni Bea na nagpaabot ng pagbati sa tagumpay ng Philippine adaptation ng Pee Mak ang Thai director na si Banjong Pisanthanakun.
Si Pisanthanakun ang direktor ng Pee Mak na pinagbidahan nina Mario Maurer at Davika Hoorne.

Bago ipinalabas sa Philippine cinemas ang Pee Mak, nagpadala si Mario ng video message ng imbitasyon niya sa mga Pilipino na panoorin ang Philippine adaptation ng kanyang proyekto.
“Congratulations Pee Mak Philippine version,” social media post ni Banjong nang malaman nitong kumita ng PHP40 million ang Philippine adaptation ng kanyang pelikula sa unang linggo nito.

Read: Pee Mak earns PHP40M in 7 days; The Fisher, Multwoh get cinema release
Pagbabahagi ni Bea: “Yung original director ng Pee Mak, nag-congratulate sa Viva dahil naka-PHP40 million ang pelikula.
"Nag-react din sa teaser ng Philippine adaptation ng Pee Mak si Davika.”
BEA BINENE GRATEFUL FOR PEE MAK'S BOX-OFFICE SUCCESS
Taos-puso ang pasasalamat ni Bea sa lahat ng mga tumangkilik at patuloy na nanonood ng Pee Mak.
Extended ang pagpapalabas nito sa mga sinehan, isang patunay na certified blockbuster ang pelikula nila ni Wilbert.
Saad ni Bea: “Sobrang thankful and grateful ko po kasi alam naman natin na ang pelikula ngayon is not very stable. Parang hit or miss pa rin siya so siyempre po nagpapasalamat ako.
“Sobrang thank you po sa tiwala ng Viva, sa opportunity na ibinigay nila, as well as mga tulong po na ibinigay ng fans, yung mga block screening.
"May mga sarili silang marketing efforts para ma-promote ang Pee Mak.
“Salamat din sa mga bumuo ng movie kasi malaking bagay rin na nandiyan sila.
“Nagpapasalamat ako talaga kasi even the cinema malls management, nag-help talaga sila para mapalakas ang pelikulang Pilipino.
“Nagbigay sila ng special ticket prices for it so tulungan talaga. Tumulong po sila.”
Kapansin-pansing maganda ang takbo ng career ni Bea mula pa noong nakaraang taon kaya maligayang-maligaya siya.
“I’m overwhelmed but in a very good way. Sobrang blessed po lalo na sa latter part of last year 'til this year.
"It’s just full of work, full of blessings, opportunities, love and support," sabi ni Bea.
Read: Wilbert Ross gets emotional watching Pee Mak with family in Davao