Hindi lamang artista at line producer ng mga pelikula ng VMX (Madulas, Happy Ending, at Standing 2) ang sexy actor na si Chester Grecia.
Kapag hindi ito abala sa kanyang mga proyekto, nagtatrabaho siya bilang fitness coach sa isang popular gym sa Araneta City, Cubao, Quezon City.
Nakikilala si Chester ng mga kliyente ng gym na pinaglilingkuran niya dahil nagbida na siya sa maraming pelikulang napapanood sa VMX at nakikita rin nila ang kanyang mga social media post.
“Namumukhaan nila ako. Nakikita nila yung mga post ko sa social media page ko,” kuwento ni Chester.
View this post on Instagram
Isa si Chester sa mga pinakamasipag na VMX actor dahil ayaw niyang nasasayang ang kanyang panahon.
Saad niya: “Pinasok ko ang pagiging fitness coach ko dahil magandang pagkaabalahan, pero priority ko ang VMX.
"Yung gym, every week siya saka may mga natutunan ako, like physical therapy.
“Hindi lang puro tungkol sa fat loss, weight gain o muscle building. May mga natutunan din ako na resistance training, flexibility, at saka cardio.
“Siyempre, iba yung mga ginagawa namin sa VMX sa pagiging gym coach ko .
“Bilang fitness coach, inaalam ko yung body goal, anong tone ng body.
“Pero hindi naman magiging tone ang body kung ako lang ang tutulong. Dapat tulungan din ng clients ang sarili nila.
"[Bantayan] nila yung kanilang pagkain saka calorie deficits.”
Read: Child actor Angelo Teves in ICU after being stabbed eight times; brother Matthew calls for justice
CHESTER CORRECTS MISCONCEPCTION ABOUT HIS SERVICE FEE
Binasag ni Chester ang maling paniniwalang mahal o mataas ang kanyang singil bilang personal fitness coach dahil VMX star siya.
Iginiit ni Chester na mas binibigyan nito ng importansiya ang maitutulong niya sa kalusugan ng kanyang mga kliyente.
“Hindi ako naniningil ng sobrang mahal. Ang hinahabol ko ngayon kung nape-perform ko ba nang tama yung specs bilang isang gym coach.
"Kasi hindi naman yon basta-basta, lalo na kung may tear ang muscle, may injury yung tao,” deklarasyon ni Chester.
Nagbibigay raw siya ng discount sa mga kumukuha sa kanyang serbisyo.
Maituturing si Chester na asset ng fitness gym na pinaglilingkuran niya dahil nag-iimbita siya ng ibang mga VMX star na mga paying customer at hindi umaasa sa mga ex-deal.
“Oo, nagbabayad sila, basta one-on-one training.
"Nagbibigay ako ng discount pero limitado ang clients ko.
"Hindi ako puwedeng tumanggap ng marami dahil priority ko ang VMX. Mas inuuna ko pa rin siya,” sabi ni Chester, na tumatanaw ng malaking utang na loob sa VMX dahil binago at pinaunlad nito ang kanyang buhay.
Read: Stand-up comedian Kirara Kawai dies; fourth comedy bar performer to pass away in October