Trigger Warning: Sexual content
Nagkaharap sina Keanna Reeves at Evelyn Batuigas sa live telecast ng GTV showbiz talk show na Kalurks noong Linggo, Oktubre 25, 2026.
Ang pinag-uusapang salita na "esmeringhoy" ang isa sa mga tinalakay nila, kasama ang mga host na sina DJ Jhai Ho, Ashley Rivera, at Baus Rufo.
Naging popular ang "esmeringhoy" nang dumulog si Evelyn sa isang public-service program dahil inireklamo niya ang asawang si Ronald Batuigas na, diumano, tumatanggi nang makipag-"esmeringhoy"sa kanya.

Nang tanungin ng Kalurks hosts kung saan nanggaling ang esmeringhoy, sagot ni Evelyn: “May mga Bisaya ako na napanood sa Facebook, so ang tawagan nila ng asawa niya sa bembang, esmeringhoy.
“Hindi ko po sinasadya yon na ganoon ang sasabihin ko kasi parang pangit naman kasi kung sasabihin ko na bembang.
"Sabi ko, mag-esmeringhoy na lang.”
Natawa si Evelyn sa kanyang pahayag, pero napaluha siya nang mabanggit ang kasalukuyang sitwasyon nila ni Ronald na inakusahan niya ng pakikipagrelasyon sa ibang babae.
Lahad niya: “Hindi siya nakipag-usap sa akin nang maayos.
"Basta sabi lang niya, magbibigay siya ng sustento sa mga anak niya kung may trabaho na siya.
"Sa ngayon, wala siyang trabaho, nasa Tarlac siya ngayon, nagtatago. Hindi siya nagtatrabaho."
Panawagan pa ni Evelyn sa mister: “Ronald, kung hihingi ka sa akin ng tawad, siguro mapapatawad pa kita. Pero kung hindi na, sorry na lang din.”
Kinaawaan ni Keana si Evelyn dahil nakita umano niya ang kabutihan ng puso nito.
“Dun naka-focus ang mga tao sa esmeringhoy so hindi na-focus sa puso ni Nanay na sobrang broken,” reaksyon ni Keanna.
Read: “Esmeringhoy” goes viral after estranged couple's interview
KEANNA REEVES'S RELATIONSHIP WITH A YOUNGER MAN
May paliwanag naman si Keanna tungkol sa pakikipagrelasyon niya sa singer at commercial model na Brian Scott Lomboy, 27.
Dalawampu’t walong (28) taon ang agwat ng dalawa.
Ayon kay Keanna, gusto niya talaga ang mga lalakeng mas bata sa kanya, kahit noong teenager pa siya.
“Ang sherep, e,” pabirong sabi ni Keanna.

Kinontra ng komedyana ang maling impresyon na mahilig siya sa "esmeringhoy."
Saad niya: “Siyempre bata, di ba? Lagi talagang hot yan. Kumukulo palagi yan.
"[E, ako] nag-iisip kung ano ang gagawin bukas so hindi na priority yung ganoon.
"Sa lalake kasi, kahit gaano sila kapagod pero ire-retain nila yan.”
Gaano kahalaga sa kanya ang "esmeringhoy"?
Sagot ni Keanna: “Mahalaga yan. Minsan mag-iisip din ako kung matanggihan ko siya. Bumabawi ako, e.”
Ayon sa aktres, araw-araw raw nagyayaya si Briant ng "esmeringhoy."
“Araw-araw pero hindi natutuloy kasi tumatanggi ako. Kung pagod siya, nagpapasalamat ako kasi pagod,” sabi ni Keanna na ikinagulat ng mga host ng Kalurks.
Pinatotohanan naman ni Brian ang rebelasyon ni Keanna.
Aniya, “Parang siya ang tumatanggi sa akin. Lagi kasi kaming pagod kaya talikuran na lang.”
Read: Keanna Reeves, 55, reveals how she met her boyfriend, 27