Magdiriwang ng kaarawan si Annabelle Rama sa Oktubre 31, 2026 kaya binati siya ng kanyang anak na si Ruffa Gutierrez sa Fast Talk with Boy Abunda na napanood ngayong Martes, Oktubre 27, 2026.
Sinabi ni Ruffa na may pinagdaraanan sa kasalukuyan ang kanyang ina, pero hindi na siya nagbigay ng detalye.
“Meron siyang pinagdadaanan ngayon but I know Mom, you’re gonna stay healthy, happy, because we love you.
"So happy happy birthday,” pahayag ni Ruffa.
MOMMY KNOWS BEST
Napagtanto raw ni Ruffa na para sa ikabubuti niya ang matinding paghihigpit noon ni Annabelle sa kanya.
Saad niya: “I realized that everything that my mom did back in the day, yung pagiging mahigpit niya, was for my own sake. Kasi I’m the only girl.
“Natuto ako noon and I’ve realized all of that nung naging nanay din ako. Siyempre, hindi natin mare-realize yon kapag bata ka.
"So, nung naging nanay ako, na-realize ko na full-circle moment.
“When my mom was strict, sabi ko, ‘Maraming-maraming salamat, Ma, dahil hinigpitan mo ako, naging maayos at naging maganda yung buhay ko.’
“I always say thank you to her kahit minsan sinasabi niya, ‘Hindi mo ako mahal, Ruffa.’
“Sabi ko, ‘Mahal na mahal kita, Ma.’
“Coz I think as our parents are getting older, they want that love from their children.
"An d so now, I’m trying to spend more time with my mom and my dad. You have to really express how much they mean to us.”
Read: Marian Rivera breaks silence on long-running Bela Padilla "padlock" rumor
ANNABELLE AND EDDIE TALK ABOUT RUFFA
Ibinahagi rin ni Ruffa na siya ang madalas pinag-uusapan ng kanyang ina at ng ama niyang si Eddie Gutierrez.
“Ngayon, ako ang pinagtsitsismisan nila ni Daddy at home. You know, they’re old na.
"They’re together all the time, sinasabi nila, 'Sino kaya ang mapapangasawa ni Ruffa one day?’
“Sabi ko, ‘Ma, bakit kayong dalawa ni Daddy, ako ang pinagtsitsismisan ninyo?’
“Now, they’re really wondering who I’m gonna end up with kasi ang tagal ko nang walang dyowa,” sabi ni Ruffa.
STILL FRIENDS WITH EX HERBERT BAUTISTA
Ang dating Quezon City mayor at aktor na si Herbert Bautista ang huling karelasyon ni Ruffa.
Pero naghiwalay man, nananatili silang magkaibigan.
Deklara ni Ruffa: “I’m free as a bird. I’m single. I’m not dating.
"Ang dami kong textmates, ang daming nagpapakilig sa akin.
“I think that space kasi just became much bigger with Herbert.
“We are still friends. We communicate regularly.
"Kung may advice akong kailangan, kinakausap ko pa rin siya at minsan, tumatawag din siya sa akin.
“But I have not seen him face to face since we broke up last year.”
Hindi itinanggi ni Ruffa ang magandang impluwensiya sa kanya ni Herbert dahil ito ang nagkumbinsing tapusin niya ang pag-aaral.
“He encouraged me to go back to school. Nag-college ako, nag-Master’s ako dahil sa kanya.
"And I think, even more than that, we have a very solid friendship,” aniya.
Read: Angelo Teves out of ICU; condition improves after stabbing