PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Priest urges public to stop feasting on Alden Richards’ issue

Alden Richards’ manager challenges priest’s remarks on issue.
by PEP Troika
Published 3 hours ago
alden richards issue
Reverend Father Jeffrey Quintela urges the public not to meddle in or profit from the controversy involving Alden Richards (in photo) and an unnamed married couple. Alden’s longtime manager, Carlites de Guzman, challenges the priest’s initial remarks, while Sparkle GMA Artist Center reaffirms its support for the actor.
PHOTO/S: Instagram

Hinimok ni Reverend Father Jeffrey Quintela ng Archdiocese of Antipolo City ang publiko na huwag nang pakialaman at pagpiyestahan ang kontrobersiyang kinasasangkutan ni Alden Richards at ng isang mayamang mag-asawa na hindi pa pinapangalanan.

Parehong kaibigan ni Alden at ng mag-asawa si Fr. Quintela, na nagbahagi ng kanyang saloobin tungkol sa isyu sa isang Facebook post.

Ayon sa pari, naging mabuti sa isa’t isa si Alden at ang mag-asawa noong panahong nakakasama pa niya ang mga ito.

Dahil dito, naniniwala siyang dapat hayaan ang magkabilang panig na magpasya kung paano nila haharapin ang kanilang pinagdaraanan.

Reverend Father Jeffrey Quintela and Alden Richards
Reverend Father Jeffrey Quintela and Alden Richards
Photo/s: Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ni Fr. Quintela: “Mabait si Alden. Mabait din ang mag-asawa. Naging mabuti sila sa isa’t isa. Alam ko iyan.

“Naging mabuti rin silang lahat sa akin. Kung may namagitan man sa kanila, hindi na natin ito dapat pakialaman.

“Sila na ang bahala sa pag-aayos o pagsasa-isantabi nito, alin man ang kanilang mapagpasiyahan.

“Subalit walang sino man sa atin ang may karapatang pag-piyestahan ang kanilang buhay o maging kahit kaninong buhay sa pamamagitan ng pagsisiwalat nito sa publiko. At lalo pa kung para lamang sa pera. Masama po iyon.

“Pwede namang kumita ng pera sa maayos at mabuting pamamaraan. Hindi naman madamot at nagpapabaya ang Diyos.

"Ayaw lang kasi natin ng sapat lamang sa ating mga pangangailangan at sa tamang panahon na naisin ng Diyos. Gusto natin palaging limpak limpak at mabilisan kahit sa di tamang paraan.

“Hindi ako naniniwala sa karma. Mas naniniwala ako sa grasya at pagpapatawad ng Diyos kung handa lamang tayong piliin ang mga ito.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Alden Richards: “At the end of the day, I am a good person.”

ALDEN'S MANAGER REACTS

Nagkomento naman sa Facebook post ni Fr. Quintela si Carlites de Guzman, ang longtime at low-profile manager ni Alden.

Kinuwestiyon ni Carlites ang kabaitan ng mag-asawa, at iginiit na kung totoo umanong mabuti ang mga ito, hindi sana sila nagbayad ng ibang tao para magpakalat ng mga kuwentong hindi nangyari.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mensahe ni Carlites (published as is): “Mawalang galang na father kung mabait sila sana Di sila nagbayad ng Tao para gumawa ng kasinungalingan. Mga kwentong Hindi nangyari. Dahil kahit Saan natin paikot ikotin sa kanila galing Ang kwentong yan.

“Hindi kabaitan Ang tingin ko dun. And father sila Ang nagbukas ng issue nyan sa sa Tao Kya sila pinag fiestahan. Thank you father.”

Sumang-ayon si Fr. Quintela sa komento ni Carlites, ngunit nilinaw niyang hindi na niya nasubaybayan ang mga sumunod na pangyayari sa pagitan ni Alden at ng mag-asawa.

Paglilinaw niya: “Opo. Sang ayon po ako sa iyo.

“Kaya nga po sabi ko NAGING mabuti silang lahat sa akin. All in the past nung nakakasama ko pa sila. Ang mga sumunod na nangyari, at mga nangyayari sa kasalukuyan, hindi ko na po nasubaybayan at inalam.”

Read: Alden Richards’ business empire: A look at his ventures

SPARKLE STANDS BY ALDEN

Samantala, nagpahayag ng suporta ang Sparkle GMA Artist Center, ang talent management agency ng GMA Network Inc. na nangangasiwa sa career ni Alden.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maikli man, malinaw ang mensahe ng Sparkle para sa Kapuso actor: naniniwala ito sa kanya at mananatili sa kaniyang panig sa gitna ng kontrobersiya.

“Dear Alden, We know your heart, we believe in you, and we stand firmly behind you.”

alden richards sparkle statement

Read: Showbiz colleagues rally behind Alden Richards amid allegations

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Reverend Father Jeffrey Quintela urges the public not to meddle in or profit from the controversy involving Alden Richards (in photo) and an unnamed married couple. Alden’s longtime manager, Carlites de Guzman, challenges the priest’s initial remarks, while Sparkle GMA Artist Center reaffirms its support for the actor.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results