Isa sa mga ikinuwento ni Kris Aquino sa unang bahagi ng panayam sa kanya ni Boy Abunda sa Fast Talk With Boy Abunda na umere kahapon, Oktubre 28, 2026, ang pagiging galante ng panganay niyang anak na si Joshua.
Ayon kay Kris, likas na mapagbigay si Joshua, kaya aminado siyang kailangan niyang magtrabaho upang matustusan ang mga gastusin nito.
“Siya yung galante. Galante talaga siya. Nag-aabot siya ng cash sa lahat.
"Sabi ko, 'Oh gosh, kailangan talagang magtrabaho ako.'
“Si Kuya talaga, kasi marami siyang time spent in Tarlac. There’s that mentality na yung mga guards doon at ’yung mga nagtatrabaho doon, naha-happy siya kung maabutan niya ng PHP500 every other day. E, ang dami nila.
“So, ang nanay talaga, okay!” natatawang kuwento ni Kris.
Aminado rin si Kris na namana sa kanya ni Joshua ang pagiging galante.
Read: Kris Aquino’s ideal partner? A doctor who won’t panic if she stops breathing
KRIS AQUINO WANTS TO BE DOH SECRETARY
Nang tanungin ni Boy kung papasok siya sa pulitika kung magkakaroon ng pagkakataon, sinabi ni Kris na bukas siya sa posibilidad, bagamat hindi pa maganda ang kanyang kalusugan.
“Yes, but I’m not healthy," sambit ni Kris.
"May dad had always… yun ang akala ng dad ko na para sa akin, but hindi ibibigay lahat.
“But ako, if ever, sana ma-appoint ako ng kung sinuman ang mahahalal na maging DOH [Department of Health secretary].
“Kasi sa experience ko and alam nilang hindi ako magnanakaw.
"Yung mapababa lang ang cost ng gamot, ang laking bagay na, and maybe by not taxing the importation of medicine so high, we can already make it so affordable.”
Batay sa kanyang karanasan sa pagpapagamot, nais daw ni Kris na makatulong na gawing mas abot-kaya ang mga gamot para sa mga Pilipino.
KRIS AQUINO WANTS TO RETURN TO TV WITH BOY ABUNDA
Hindi rin itinanggi ni Kris na nami-miss niya ang paglabas sa telebisyon.
Gayunman, kung magkakaroon siya ng pagkakataong magbalik-TV, si Boy raw ang gusto niyang makasama.
Aniya: “I would love to but I think TV without you would not be worth it. Kung babalik man, dapat ang babalikan, kasama mo yung hari.
“The only other thing I want to do is to teach. Gusto kong magturo.
"What people don’t know is I majored in English Literature with Creative Writing.”
Read: Priest urges public to stop feasting on Alden Richards’ issue; Alden's manager reacts