PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ashtine Olviga clarifies relationship with Kyosu Guinto

Ashtine Olviga on other Viva loveteams: “I really don’t compete.”
by Jojo Gabinete
Published 3 hours ago
ashtine olviga kyosu guinto
Ashtine Olviga sets the record straight about her relationship with Kyosu Guinto, her co-star in Ang Mutya ng Section E: "Friends po kami ni Kyosu, tropa ko po siya... And, I think, hindi naman porke’t glowing yung babae, automatic lalake yung dahilan, di ba?”
PHOTO/S: Viva One / Instagram

Nagkaroon ng interes ang mga tagahanga ni Ashtine Olviga sa Filipino-Japanese actor na si Kyosu Guinto matapos mabanggit ang pangalan nito sa media conference para sa Philippine adaptation ng South Korean series na Fight for My Way noong Miyerkules, Oktubre 28, 2026.

Nang tanungin si Ashtine tungkol sa estado ng relasyon nila ni Kyosu, na nakasama niya sa Viva One series na Ang Mutya ng Section E, hindi niya napigilang magulat.

“Nakita po ninyo ang reaction naming lahat?" sabi ng Viva actress.

"Friends po kami ni Kyosu, tropa ko po siya."

Iginiit din ni Ashtine na hindi lalaki ang tanging dahilan ng kanyang pagiging "glowing," dahil kabilang daw rito ang "self-love."

Aniya, "And, I think, hindi naman porke’t glowing yung babae, automatic lalake yung dahilan, di ba?”

Read: Priest urges public to stop feasting on Alden Richards’ issue; Alden's manager reacts

ASHTINE OLIVIGA ON TOXIC FANS

Napag-usapan din sa media conference ng Fight for My Way ang pangangalaga ni Ashtine sa kaniyang mental health, gayundin ang pananaw niya tungkol sa mga tinatawag na “toxic fans.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa aktres, sinisikap niyang unawain ang mga taong nagpapakita ng ganitong pag-uugali.

Posible raw kasing may masakit silang pinagdaanan na nakaaapekto sa paraan ng kanilang pagharap sa mga problema.

Saad ni Ashtine: “Hindi po kasi natin maiiwasan yung mga ganoong klase ng tao so ako po, tina-try ko na i-understand na lang sila.

“Na baka may pinagdaanan sila na masama o masakit kaya yun ang way nila to cope up pero at the same time, I don’t encourage na i-continue nila yung ganoong kind of behavior.

“Tulad ng sabi ko before pa na lahat tayo naman, may pinagdadaanan, so kung magiging mabuti tayo sa kapwa natin or magbibigay lang tayo ng smile, ano ba naman yung magbigay ng encouragement kesa i-pull natin yung mga tao pababa?”

ASHTINE OL VIGA DOES NOT COMPETE WITH OTHER VIVA LOVETEAMS

Nagbigay rin ng kanyang pananaw si Ashtine tungkol sa iba pang sikat na loveteams ng Viva, at nilinaw na hindi niya itinuturing na mga kakumpitensiya ang mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ako po, I really don’t compete with anyone and happy po ako sa success ng nakukuha ng ibang mga kasamahan namin sa Viva.

“Naniniwala rin po ako na kung para sa kanila yon, yun ang para sa kanila and I have my own din po,” paliwanag niya.

Sang-ayon naman sa kanya ang Fight for My Way leading man na si David Licauco, na pinuri ang paraan ng Viva sa pagbibigay ng oportunidad sa mga artista at iba pang creative talents.

Saad ni David: “I agree with what she said na yung Viva One, ang galing nilang magpasikat ng mga artista.

"I feel like hindi lang siya sa artista but also sa mga director, production.

"Yung leaders ng Viva, I feel like very intact that’s why yung mga artista ay binibigyan ng magandang platform, magandang shows.”

Read: Priest urges public to stop feasting on Alden Richards’ issue; Alden's manager reacts

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ashtine Olviga sets the record straight about her relationship with Kyosu Guinto, her co-star in Ang Mutya ng Section E: "Friends po kami ni Kyosu, tropa ko po siya... And, I think, hindi naman porke’t glowing yung babae, automatic lalake yung dahilan, di ba?”
PHOTO/S: Viva One / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results