Kinumpirma ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Atty. Melvin Matibag sa panayam sa kanya ng mga miyembro ng media na nagsadya sa tanggapan niya ang cosmetic surgeon na inireklamo ng Filipino-American at The Bachelorette reality TV star na si Ronn Tristan Perez.
Si Ronn ang anak ni Cristina na sumailalim sa mga cosmetic procedure na tummy tuck, liposuction, at body tite for arms sa klinika ng cosmetic surgeon sa San Juan City.
Pero binawian siya ng buhay noong Marso 2, 2026.
Mula sa Amerika, bumiyahe sa Pilipinas si Ronn para personal na idulog sa NBI ang nangyari sa nanay niya.
Nagsadya si Perez sa tanggapan ng NBI noong Setyembre 10, 2026 dahil sa kagustuhan niyang malaman ang tunay na sanhi ng pagkamatay ng kanyang ina at papanagutin ang mga dapat managot.
Read: The Bachelorette's Ronn Perez seeks NBI help over mother’s death
COSMETIC SURGEON VISITS NBI OFFICE
Ibinalita ni Matibag sa mga miyembro ng media na kasama ng cosmetic surgeon ang abogado nito nang makipag-ugnayan sa NBI noong nakaraang linggo.
Nangako raw itong magbibigay ng salaysay at mga ebidensya.
Tiniyak ni Matibag sa cosmetic surgeon na magiging patas ang imbestigasyon ng NBI at pakikinggan nila ang panig ng inireklamo.
Hindi pa nagbibigay ng pahayag si Ronn tungkol sa bagong kaganapan tungkol sa kaso na inilapit niya sa NBI.
Pero pinaghahandaan na niya ang haharaping asunto.
Sa kanyang GoFundMe statement, inilahad ni Ronn: “The most difficult part about this is an upcoming legal battle around the circumstances of her passing, which has added unforeseen financial and emotional weight to our family.
"This has has put a pause on our mourning but it's something that my family has to do for my mom.
“My mom was someone who gave endlessly to those around her. Her kindness and love were always unconditional and she gave it abundantly.
"The outpouring of love we’ve received is a true reflection of the impact she had on so many friends and loved ones.”
Read: Ate Gay’s family seeks financial help as hospital bills hit P2.4M