“Absolutely!”
Ito ang ang walang pag-aalinlangan at walang paliguy-ligoy na sagot ni Bimby Aquino nang tanungin siya ni Boy Abunda, “Can you be the president of the Republic of the Philippines?” kapag tumuntong na siya sa wastong edad sa 2047.
Kung matutupad ang ambisyon ni Bimby, siya ang magiging ikatlong miyembro ng pamilya Aquino na mamumuno sa bansa.
Nauna nang naging Pangulo ang kanyang lola na si Corazon "Cory" Aquino, na nanungkulan mula 1986 hanggang 1992; at ang kaniyang tiyuhin na si Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III, na nagsilbi mula 2010 hanggang 2016.
Si Bimby at ang kanyang inang si Kris Aquino ang mga panauhin ni Boy sa ikalawang bahagi ng birthday episode ng Fast Talk with Boy Abunda, na napanood ngayong Huwebes, Oktubre 29, 2026.
Ilan sa mga napag-usapan ng mag-ina at ni Boy ang political ambition ni Bimby, ang pag-apruba ni Kris sa magiging karelasyon niya, at ang kahalagahan ng pamilya sa kaniyang buhay.
BIMBY AQUINO ON HIS FUTURE WIFE
Tinanong si Bimby kung ano ang gagawin niya kung hindi magustuhan ng kanyang ina ang babaeng pipiliin niyang pakasalan.
“If my mom doesn’t like her, I always promise my mom in a way na my wife will be the love of my life but you, you will always be the love of my universe.
“I think last night, last night or kanina, you told me ‘You know honey, sometimes you like girls who aren’t pretty.’
“I was about response to her but no na,” kuwento ni Bimby.
Hindi naman napigilan ni Kris na magkomento tungkol sa sinabi niya sa anak.
“Totoo naman Boy eh, hindi kagandahan talaga pero merong dalawa na super ganda,” sabi ng Queen of All Media.
Nang sabihin ni Bimby na nasa mid to late 20s ang ideal age niya para magpakasal, may makahulugang reaksiyon si Kris.
“I might not be around,” sambit ng aktres.
Read: Kris Aquino wants to be DOH secretary, return to TV with Boy Abunda

BIMBY’S ADVICE TO KRIS AQUINO ON LOVE
Tinanong din ni Boy si Bimby kung anong payo ang ibibigay niya sa kanyang ina pagdating sa usaping pag-ibig.
“If you were to give advice to mom, I mean hypothetical of course, pagdating sa usaping puso, what would you tell her?” tanong ni Boy.
Ibinahagi ni Bimby na napag-usapan na nila ni Kris ang tungkol sa mga pamantayan nito sa isang lalaki, kabilang ang pagpaparamdam sa kanya ng seguridad.
“When we had that talk na, you know, you have to love, ‘coz she has a checklist of he makes me feel safe, he makes me feel so on and so forth.
“E, I told mom, ‘You don’t have to run through a checklist in order to love a person.’
“Just love them and I think that’s what... she has to think more with here [points to his heart] instead of here [points to his head].”
Nagtawanan din ang mag-ina nang magkomento si Bimby tungkol sa kanilang mga nagugustuhan.
“Sometimes I don’t like pretty girls. Sometimes you don’t like smart guys,” sabi ni Bimby.
Sinagot naman ito ni Kris sa pamamagitan ng isang diretsahang paglalarawan sa kanilang preferences.
“Yung sa kanya, minsan hindi rin niya gusto yung kagandahan. Tapos ako naman, minsan, gusto ko, yung may pagkabobo.
"Diniretso ko na for everyone to understand.
“But not anymore. Ngayon gusto ko talaga someone who had to pass…
"Kasi ang gusto ko, nakapasa ng something whether it’s… lawyer, di ba? Engineer, ano pa ba yung mga nakapasa? Doctor, dentist…
"I have rose-colored glasses basta someone is a doctor.”
KRIS AQUINO CALLS BIMBY “KURIPOT”
Tinawag ni Kris na “kuripot” ang kanyang anak, at hindi naman ito tumutol.
Ipinaliwanag ni Bimby na para sa kanya, mahalagang may balanse sa paggastos sa kanilang tahanan.
“Well, Ninong Boy, there has to be balance in the household.
"But when Mom buys things, eighty percent of the time is for another person to give, plus one of mom’s main love languages is really giving.
"Sometime she falls asleep ordering things at 3 A.M.,” pagsisiwalat ni Bimby.
May paliwanag naman si Kris tungkol sa kanyang nakagawiang online shopping sa madaling-araw.
“Nag-aabang ako, 2 A.M. talaga ‘yung mga sale. Not 12 midnight, it’s 2 A.M. Yun talaga yung bagsak presyo.”
BIMBY AQUINO ON BEING KRIS AQUINO’S SON
Tinanong din ni Boy kung ano ang pakiramdam ng maging anak ng isang personalidad na tulad ni Kris.
“It’s the only life I’ve ever known and it’s a life I’d like to think a very blessed life because I got to be born, I got to come out of the person that I love most.
“The biggest deal for me is that she’s my mom.
"And no matter what she accomplished and no matter what she did during her professional career, the thing that I admire most about her is she raised me right and raised my brother right,” pahayag ni Bimby.
BIMBY ON HIS RELATIONSHIP WITH KUYA JOSHUA
Ikinuwento rin ni Bimby kung paano nila ni Kris hinaharap ang pagdidisiplina sa kaniyang kuya na si Joshua.
“We make palitan. She sometimes good cop and I’m sometimes bad cop to Kuya,” ani Bimby.
Ipinaliwanag niyang salitan sila ng kanyang ina sa pagdidisiplina kay Joshua, kabilang ang pagkumpiska ng cellphone kapag may nagawang kalokohan ang kuya niya.
“Sometimes, if he does something naughty, I’m the one who confiscates his phone and sometimes, it’s Mama.
“Mom has a very soft heart so ang three nights, nagiging two nights, two nights becomes one.
“There’s one time na one week, no cellphone and then the next day, he used my iPad.”
Ayon kay Bimby, kapag wala ang kanilang ina, responsibilidad niyang tiyaking maayos ang kalagayan ng kaniyang kuya.
“When she’s gone, I have to be the one to take care of my brother.
"And everyone really told me na ‘When you’re mom is gone, you really have to be the one to step up and make sure he’s okay.'
“So going back to the wife topic, if my wife doesn’t accept my brother, no na. I cannot live without him.
"Sometimes, he can live without me but, you know, I cannot live without him.”
Read: Bimby and Ryzza Mae spark kilig with their Eat Bulaga! reunion

Read: Kris Aquino’s ideal partner? A doctor who won’t panic if she stops breathing