PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ate Gay in critical condition; relies on life-support machines

Ate Gay’s family on hospital expenses: “Patuloy po kaming umaasa.”
by Jojo Gabinete
Published 6 hours ago
ate gay medical condition
Ate Gay remains in critical condition and continues to rely on life-support machines after suffering a stroke on October 29, according to his family’s latest medical update. The comedian remains in the ICU of Asian Hospital and Medical Center, as doctors have yet to clear him for transfer to another facility.
PHOTO/S: Facebook

Kritikal ang kundisyon ni Ate Gay at umaasa siya sa life-support machine, ayon sa medical update na inilabas ng kanyang pamilya ngayong Biyernes, Oktubre 30, 2026.

Dinala ang komedyante sa Asian Hospital and Medical Center (AHMC) sa Muntinlupa City noong Oktubre 17, dalawang araw matapos idaos ang kanyang living funeral sa Forest Lake Memorial Parks sa Biñan, Laguna.

Lalong naging kritikal ang kanyang kalagayan matapos siyang ma-stroke nooshowbiz ng Huwebes, Oktubre 29.

Sa medical update, ipinaliwanag din ng pamilya kung bakit sa AHMC nila ipinagpatuloy ang pagpapagamot kay Ate Gay sa kabila ng lumolobong gastusin sa ospital.

Saad nila: “Una sa lahat, nais po naming ipaabot ang aming taos-pusong pasasalamat sa lahat ng patuloy na nagbibigay ng tulong, suporta, at panalangin para sa aming minamahal na si Gil Morales, na mas kilala bilang Ate Gay.

“Maliit man o malaking halaga, bawat tulong na inyong ibinibigay ay napakalaking bagay para sa aming pamilya, lalo na sa mga panahong ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Noong October 17, 2026, dinala po namin si Ate Gay sa Emergency Room (ER) ng Asian Hospital and Medical Center (AHMC) dahil sa hirap niyang paghinga.

“Ayon sa kanyang mga doktor, siya ay nagkaroon ng Septic Shock at Acute Respiratory Failure Secondary to Pneumonia, o malubhang impeksyon na nakaapekto sa kanyang paghinga at sirkulasyon ng dugo. Dahil dito, kinailangan siyang ilagay sa Intensive Care Unit (ICU) upang mabigyan ng masusing gamutan at monitoring.

“Nais din po naming ipaliwanag na dinala namin siya sa AHMC dahil dito na po siya matagal nang nagpapagamot para sa kanyang cancer.

“Pamilyar na rin ang kanyang mga doktor sa kanyang medical history at mga naunang gamutan. Sa mga oras na iyon, ang aming pangunahing layunin ay mabigyan siya ng agarang atensyong medikal.”

Ayon pa sa pamilya, nalampasan na ni Ate Gay ang unang septic shock na naranasan niya. Gayunman, nagkaroon siya ng pinsala sa kanang bahagi ng utak matapos ma-stroke.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Batay sa pinakahuling paliwanag ng kanyang mga attending physicians, na patuloy na nagmo-monitor sa kanyang vital signs at sa paggana ng kanyang mga organ, nalampasan na po ni Ate Gay ang unang septic shock na kanyang naranasan.

“Gayunpaman, ipinaalam po sa amin ng kanyang mga doktor nitong October 29 na nagkaroon siya ng pinsala sa kanang bahagi ng kanyang utak dahil sa stroke.

“Sa kasalukuyan, umaasa pa rin siya sa mga life-support machine upang masuportahan ang mahahalagang function ng kanyang katawan. Nananatili pong kritikal at guarded ang kanyang kondisyon.”

Read: Ate Gay’s family seeks financial help as hospital bills hit P2.4M

ATE GAY, HINDI MUNA MAILILIPAT SA IBANG OSPITAL

Inamin ng pamilya na nais sana nilang ilipat si Ate Gay sa ibang ospital dahil sa patuloy na pagtaas ng gastusin.

Gayunman, hindi pa ligtas na isagawa ang paglilipat dahil sa kritikal niyang kondisyon. Kaya naman, sa payo ng kanyang mga doktor, mananatili muna siya sa ICU.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Bagama't nais po naming ilipat siya sa ibang ospital dahil sa patuloy na gastusin, delikado pa po ang kanyang kalagayan para sa paglipat kaya sa payo ng kanyang mga doktor, mananatili muna siya sa ICU.

“Sa mga susunod na araw, patuloy siyang imo-monitor upang makita kung may pagbabago o pagbuti sa kanyang kondisyon.”

Humingi rin ng paumanhin ang pamilya dahil patuloy silang lumalapit sa publiko para humingi ng tulong pinansiyal.

“Humihingi rin po kami ng paumanhin dahil patuloy kaming lumalapit at humihingi ng tulong sa inyong lahat. Nauunawaan po namin na ang bawat-isa ay may kani-kaniyang pinagdaraanan at responsibilidad.

“Hindi po namin binabale-wala ang anumang tulong na inyong ibinibigay, at lubos po kaming nagpapasalamat sa inyong kabutihan.”

Dagdag pa ng pamilya, patuloy silang kumikilos upang makakuha ng medical at financial assistance mula sa iba't ibang ahensiya at organisasyon.

“Nais din po naming ipaalam na ginagawa ng aming pamilya ang lahat ng aming makakaya upang makakuha ng medical at financial assistance mula sa mga ahensya ng gobyerno, pribadong indibidwal, charitable institutions, at iba pang organisasyong maaaring makatulong sa kanyang pagpapagamot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Maraming salamat po sa inyong pang-unawa, pagmamahal, suporta at patuloy na panalangin. Sa kabila ng lahat, patuloy po kaming umaasa at nagtitiwala sa awa at biyaya ng Diyos.”

Lubos na nagpapasalamat ang pamilya ni Ate Gay sa lahat ng patuloy na nagpapadala ng tulong, suporta, at panalangin para sa komedyante.

ate gay medical bulletin

Read: Ate Gay holds "living funeral" amid cancer journey

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ate Gay remains in critical condition and continues to rely on life-support machines after suffering a stroke on October 29, according to his family’s latest medical update. The comedian remains in the ICU of Asian Hospital and Medical Center, as doctors have yet to clear him for transfer to another facility.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results