Sa unang pagkakataon ay magsasama sa isang concert ang Kapuso actors na sina Michael Sager, Kelvin Miranda, at Anton Vinzon.
Ginagawa na nila ang lahat ng mga paghahanda para sa GenZ Heartthrobs na itatanghal sa New Frontier Theater, Cubao, Quezon City, sa Enero 15, 2027.
Malaking karangalan para kay Michael na tawagin silang "GenZ Heartthrobs," pero hindi raw nila hinahayaang pumasok at lumaki ang kanilang ulo dahil sa nabanggit na titulo.
“We don’t let it go to our heads na kami na yon, e. We’re just humbled by the opportunity. We are honored to represent that name,” sabi ni Michael.
PAPA'S BOY
Lumitaw ang pagiging Papa’s boy ni Anton sa media conference ng GenZ Heartthrobs na naganap ngayong Sabado, Oktubre 31, 2026, dahil bukambibig niya ang kanyang amang si Roi Vinzon.
Saad niya: “Nakakataba ng puso kasi bago po sa akin ito, ang mag-concert sa harap ng mga tao. It’s new to us, grabeng experience ito.
“I’m just really excited for this wonderful concert. I am looking forward to this.
“Ang sabi ng tatay ko, just be yourself and be grounded always.
"Ang importante, mahal mo yung craft mo, mahal ka ng mga tao.
"Yun ang pinakaimportante sa industriyang ito kasi mabilis mawala.
"Kaya I’m just grateful to God na nabigyan ako ng ganitong opportunity at sa lahat ng mga naniniwala sa akin.”
Ikinuwento rin ni Anton na taun-taon, tuwing nagdiriwang ng kaarawan ang kanyang ama, kinakanta nila ang 1975 Rod Stewart hit song na “I Don’t Want to Talk About It.”
Minana ni Anton ang talento nito sa pagkanta, hindi lamang mula kay Roi kundi pati na rin sa kanyang inang si Jeany David na isang mahusay na singer.
Read: Bimby Aquino wants to be Philippine president: "Absolutely!"
KELVIN MIRANDA ADDRESSES SAM SMITH ISSUE
Tiniyak naman ni Kelvin na magkakaroon sila nina Anton at Michael ng solo at group performances para sa kasiyahan ng mga nagpaplanong manood ng kanilang concert.
“Gusto namin silang i-entertain. Konting kilig naman para maging masaya ang mga puso natin.
“May solo performance, meron din naman kaming group performance, so yun po ang gusto namin na mapanood ng audience,” sabi ni Kelvin.
Muling nagsalita tungkol sa pagkakaugnay ng pangalan niya sa malisyoso at salat sa katotohanang balita tungkol sa kanila ng English singer na si Sam Smith.
“Yung isyu kay Sam Smith, hindi ko siya alam, e," sabi ni Kelvin.
"Bakit ako ang pinagbibintangan ng tao na meron akong Sam Smith na kinita, na binayaran ako ng isang milyon?
“Sino ka para husgahan ako? Hindi mo naman ako kilala. Hindi mo naman alam kung nasaan ako noong araw na yon.”
Tanggap ni Kelvin ang realidad na hindi makokontrol ang mga lumalabas na balita sa social media.
“Sobrang daming bastos diyan.Sobrang daming walang modo diyan.
"Lahat na halos, nandiyan. Makikita natin sa social media.
“Kung gusto mong tumingin ng hindi kaaya-aya, makikita mo talaga sa social media.
"Kaya ako, medyo aloof ako pagdating sa social media. Hindi ako masyadong attached.
"Pero since nandun yung generation natin, kailangan mong mag-adapt,” pahayag ng Kapuso actor.
Read: Jimuel Pacquiao's wife wants baby Clara to embrace Mexipino roots
