PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Arnell Ignacio mourns fellow comedians Arnell Tamayo, Ate Gay

Arnell shares concerns about the health risks of working in sing-along bars.
by Jojo Gabinete
Published 3 hours ago
arenll ignacio arnell tamayo ate gay death
Arnell Ignacio (center) gets emotional over the deaths of fellow comedians Arnel Tamayo (left) and Ate Gay (right), while warning stand-up performers about the health risks of their lifestyle.
PHOTO/S: Facebook

Hindi maitago ni Arnell Ignacio ang kalungkutan sa sunud-sunod na pagpanaw ng mga stand-up comedian na nakasama niya sa industriya ng entertainment.

Lalo siyang naapektuhan sa pagpanaw ng kanyang kababata at kapwa stand-up comedian na si Arnell Tamayo.

Isa rin sa mga nagdulot ng lungkot kay Arnell ang sinapit ng komedyanteng si Ate Gay, na matagal ding nakipaglaban sa cancer bago pumanaw nitong Linggo, Nobyembre 1, 2026.

Kabilang sina Arnell at Ai-Ai delas Alas sa mga pioneer ng sing-along bar entertainment na matagumpay na nakapasok sa mainstream showbiz.

Dahil dito, malapit sa kanilang puso ang mga stand-up comedian na sumunod sa kanilang mga yapak at nagkaroon din ng sariling pangalan sa industriya.

ARNELL IGNACIO ON ARNELL TAMAYO'S DEATH

Sa eksklusibong panayam ng Cabinet Files kay Arnell, inamin niyang isa sa pinakamahirap para sa kanyang tanggapin ang pagpanaw ng katukayong Arnell Tamayo.

Pumanaw si Arnell Tamayo noong October 14, 2026 sa edad na 61.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magkababata kasi sila at personal niyang nasaksihan ang pagiging masayahin at energetic ng yumaong komedyante.

Ani Arnell Ignacio, “Isa sa pinakamahirap sa akin na i-process yung kay Arnell Tamayo kasi si Arnell kababata ko.

“Kilala ko si Arnell, ang taas lagi ng energy and then, hindi ko ngayon maintindihan kung paano ang gagawin ko kapag nakita kita na hinang-hina and finally, he passed on.

“Hindi ko siya mapuntahan kasi hindi ko alam ang gagawin.”

Read: Comedian Arnell Tamayo dies at 61

ARNELL IGNACIO ON STAND-UP COMEDIANS' LIFESTYLE

Bukod sa pagdadalamhati, may mahalagang paalala si Arnell sa mga stand-up comedian tungkol sa pangangalaga sa kanilang kalusugan.

Sinabi niyang posibleng may malaking epekto sa kalusugan ng ilang komedyante ang lifestyle na nakasanayan sa pagtatrabaho sa mga sing-along bar.

Kabilang dito ang madalas na pagpupuyat, pag-inom ng alak, at paninigarilyo.

Ayon kay Arnell, bagamat hindi nila naiwasan ni Ai-Ai delas Alas ang pagpupuyat noong aktibo pa sila sa sing-along bars, hindi naman sila nahilig sa paglalasing at iba pang bisyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi kami naglalasing ni Ai-Ai. Hindi ako naninigarilyo.

"Kami ni Ai-Ai, pagkatapos ng set namin, kumakain lang then umuuwi na kami,” kuwento niya.

Naalala rin ni Arnell ang isang popular stand-up comedian na minsan niyang pinagsabihan dahil sa labis na pag-inom ng alak.

Pumanaw ang naturang komedyante noong panahon ng pandemya.

Pagbabahagi ni Arnell: “Sinabihan ko siya, 'Magdahan-dahan ka.' Dyuskupo, ang dala-dala, dalawang bote ng mumurahing alak, inuubos niya.”

Para kay Arnell, mahalagang maging responsable ang mga entertainer sa kanilang lifestyle, lalo na habang tumatanda.

Read: Comedian Ate Gay dies at 55 after cancer battle

ARNELL IGNACIO'S HEALTH ADVICE TO FELLOW COMEDIANS

Muli niyang tinalakay ang usaping ito nang maging panauhin siya sa Kalurks ng GTV nitong Linggo, Nobyembre 1, 2026.

Nang matanong tungkol sa mga malulungkot na pangyayari sa hanay ng stand-up comedians, kabilang ang mga naging problema sa kalusugan ni Ate Gay, ipinaliwanag ni Arnell kung gaano kabigat sa katawan ang ganitong trabaho.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“With all these, nagtatrabaho sa sing-along bars, it can be very very taxing sa health.

“Una, puyat ka lagi and then, ang dalas-dalas mo pang umiinom.

"Lahat ng health hazards kasi, naging parang standard na kalarakan so take care of your health.

“The kind of food that you eat kasi mahirap, e. Kasi nga masaya, nagtatawanan kayo, akala mo, ganoon ka katibay.

“And you do also checkup, how old you are. Siyempre, yung katawan mo, hindi naman pareho noong mga balingkinitan pa tayo na disi-sais anyos.”

Ipinaalala ni Arnell na sa likod ng tawanan at kasiyahan sa mga sing-along bar, may mga panganib din sa kalusugan na hindi dapat balewalain.

Para sa kanya, mahalagang matutong magpahinga, umiwas sa labis na pag-inom, at maging mas maingat sa pagkain at pangangalaga sa katawan.

Hindi rin niya itinago na ang mga nangyayari sa kanyang kapwa komedyante ay nagpapaalala sa kanya ng kanilang pinagsamahan noong nagsisimula pa lamang sila sa industriya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“That makes us very very sad, lalo na kay Ate Gay kasi bigla, parang yung memories mo, nagbabalik lahat.”

Read: Behind the laughter: The health struggles of Filipino stand-up comedians

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Arnell Ignacio (center) gets emotional over the deaths of fellow comedians Arnel Tamayo (left) and Ate Gay (right), while warning stand-up performers about the health risks of their lifestyle.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results