“LOVE LIE: Thomas Markle’s Filipino nurse ‘quits career over paedo’s made-up claim he was in relationship with her’” ang headline ng British tabloid na The Sun sa bago nitong ulat tungkol sa diumano'y tunay na ugnayan ng ama ni Meghan Markle na si Thomas Markle Sr., 82, at ng Filipino nurse na si Rio Canedo, 46.
Si Thomas ang kontrobersiyal na ama ni Meghan Markle, Duchess of Sussex at asawa ni Prince Harry.
Nanirahan siya sa Cebu mula Enero 2025 hanggang Mayo 2026.
Naging laman muli ng balita si Thomas matapos lumabas ang mga alegasyong may kaugnayan siya sa child sexual abuse material.
Sa gitna nito, muling nabuhay ang usapin tungkol sa umano'y romantic relationship nila ni Rio, ang nurse na nag-alaga sa kanya matapos putulan ng isang binti.
Noong Marso 2026, iniulat ng Daily Mail na nagkaroon ng relasyon ang dalawa. Sa panayam sa naturang publication, sinabi ni Thomas na naging natural umano ang paglapit ng loob nila sa isa't isa.
“What happened with Rio happened naturally. We got close and she ended up moving in with me.
“It’s a relationship I treasure. She makes me very happy and takes very good care of me. I hope I make her happy too.”
Gayunman, kinontra ng The Sun ang naturang kuwento sa ulat nito noong Nobyembre 1, 2026.
Ayon sa British tabloid, walang romantic relationship na namagitan kina Thomas at Rio, taliwas sa naunang pahayag ng ama ni Meghan.
Read: Is Meghan Markle's dad in a relationship with a Filipina nurse?
THE SUN'S REPORT ON RIO CANEDO
Sa ulat ng The Sun, isang kasamahan umano ni Rio ang nagsabing hindi totoo ang sinasabing relasyon ng nurse at ni Thomas.
Ayon sa publication, napahiya umano si Rio dahil sa pagkakaugnay sa kuwento tungkol sa isang romantic relationship na hindi naman niya kinumpirma.
Nakasaad sa report: “A horrified nurse has quit her hospital career in humiliation after Thomas Markle Snr invented a bogus romance behind her back, it is claimed.
“In March this year, the Duchess of Sussex’s estranged dad, 82, boasted he had found love in the arms of Filipina carer Rio Canedo, 46, claiming he felt “blessed” after years of heartache.
“The retired lighting director — currently facing allegations of hoarding child abuse images — told the Daily Mail Rio swept him off his feet after they met at a hospital in Cebu, in the Philippines, where his left leg was amputated.
“The interview carried a photo of Markle Snr in a wheelchair, with much younger nurse Rio smiling behind him. The story went around the world.
“Now a colleague of the nurse has seemingly blown the lid off Markle Snr’s bogus love story.'”
Ginamit ng The Sun bilang batayan ng report ang isang X post ni Cordelia Lynch, Asia correspondent ng Sky News.
Sa naturang post, sinabi ni Lynch na nakausap niya ang isang kasamahan ni Rio na nagkumpirmang walang romantic relationship ang nurse at si Thomas.
“A colleague of that nurse, Rio Canedo, told me there was NO romantic relationship at all.
“Rio she say 'doesn’t speak English well and had no idea she was about to be portrayed as the new love interest of an elderly man she was simply caring for.'”
Ayon pa sa The Sun, nagbitiw umano si Rio sa kanyang trabaho bilang nurse dahil sa kahihiyang idinulot ng pagkakaugnay sa kuwento tungkol kay Thomas.
Sinubukan din umano ng mga mamamahayag ng publication na makontak si Rio upang makuha ang kanyang panig.
Gayunman, hindi raw matukoy ng kanilang mga kinatawan sa Pilipinas kung nasaan ang nurse.
Read: Thomas Markle Sr. back in the U.S.; leaves Pinay GF behind?
QUESTIONS OVER THE CLAIMS
May ilang tanong ding lumilitaw kaugnay ng impormasyong ibinahagi ng diumano'y kasamahan ni Rio.
Isa rito ang pahayag na hindi raw mahusay magsalita ng English ang nurse.
Bagamat hindi ito nangangahulugang lahat ng nurse ay pare-pareho ang antas ng kasanayan sa English, mahalagang malinawan kung sino ang source ng pahayag at kung personal nitong kilala at nakatrabaho si Rio.
Sa ngayon, wala pang direktang pahayag mula kay Rio na nagpapatunay o kumokontra sa mga ulat tungkol sa umano'y relasyon nila ni Thomas.
Mahalagang makuha ang panig mismo ng Filipino nurse upang mas malinaw na matukoy ang tunay na nangyari sa likod ng kontrobersiyang ito.
Read: Meghan Markle "deeply distressed" over father's PH home claims