Ang VHS (Viva Horror Stories) ang 3-in-1 horror anthology ng Viva Films na kalahok sa 7th Cycle ng Sine Sindak, ang annual Halloween horror film festival na nag-umpisa noong Oktubre 28, 2026 at matatapos sa Nobyembre 3, 2026.
Isandaang piso lamang ang presyo ng ticket para sa Sine Sindak na may pitong pelikulang kalahok.
Sa panayam ng Cabinet Files kay Viva Communications Inc. Chief Executive Officer Vincent del Rosario, nagpahayag ito ng kasiyahan sa mainit na pagtanggap ng publiko sa VHS.
“Daily box office outperforms the previous day so may positive word of mouth,” sabi ni Vincent nang makausap ito ng Cabinet Files ngayong Lunes, Nobyembre 2, 2026 tungkol sa positibo na resulta ng VHS sa takilya.
Mapapanood ang Sine Sindak sa mga sinehan ng SM Malls.

Ipinapaalaala ng pamunuan ng Viva Films na hanggang sa Martes lamang , Nobyembre 3, ang PHP100 ticket price.
Simula sa Nobyembre 4, ibabalik sa PHP275 hanggang PHP300 ang halaga ng cinema tickets.
Read: Andrea Brillantes reveals secret behind her "naked" Halloween look
THREE EPISODES OF VHS
"Dasal," "Spoiled," at "Hiling" ang mga pamagat ng tatlong kabanata ng VHS na idinirek ni Darryl Yap.
Si Sachzna Laparan ang tampok sa "Dasal."
Sina McCoy de Leon at Ella Cruz ang mga bida sa “Spoiled”
Sina Sarah Lahbati at Kit Thompson naman ang mga artista ng “Hiling.”
Si McCoy ang nanalong best actor sa 74th FAMAS Awards noong Oktubre 27, 2026 para sa “In Thy Name.”
Ang VHS ang comeback movie ni Sarah.
Pitong taon na ang nakararaan buhat nang mapanood siya sa Mission Unstapabol: The Don Identity, na official entry sa 45th Metro Manila Film Festival noong Disyembre 2019.
Read: Arnell Ignacio mourns fellow comedians Arnell Tamayo, Ate Gay