PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sofronio Vasquez ready to audition for Ogie, Regine's musical

Sofronio Vasquez responds to bashers calling him "mayabang" and "laos na."
by Jojo Gabinete
Published 2 hours ago
sofronio vasquez concert
Sofronio Vasquez hopes to join the cast of Kailangan Kita, the upcoming musical starring Ogie Alcasid and Regine Velasquez. The The Voice USA 2024 grand champion says he is willing to audition for the production, even if he risks being turned down.
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Isa sa mga pangarap ni Sofronio Vasquez, grand champion ng The Voice USA 2024, ang makasali sa isang local musical production.

Kaya naman interesado siyang maging bahagi ng Kailangan Kita, ang musical na pagbibidahan nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez na nakatakdang itanghal sa May 2027 sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila sa Pasay City.

Dahil nais niyang makasali sa produksiyon, personal nang nakausap ni Sofronio si Ogie.

Sinabi rin niyang handa siyang sumailalim sa audition sakaling magbukas ito para sa mga nais maging bahagi ng musical.

“I even told Sir Ogie na mag-a-audition talaga ako. Nagprisinta na ako.

"I told A-Team [management company ni Ogie] na sana magpa-audition kayo, then sinabi nila kapag open yung auditions,” kuwento ni Sofronio nang humarap siya sa entertainment press nitong Martes, Nobyembre 3, 2026.

Dumalo siya sa media conference para sa kanyang sold-out concert na gaganapin sa Proscenium Theater, Makati City, sa Sabado, Nobyembre 7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
sofronio vasquez concert

Handa si Sofronio na dumaan sa proseso ng audition para sa Kailangan Kita, kahit pa hindi siya mapili sa huli.

Para sa kanya, walang masama sa posibilidad na ma-reject, kahit pa malaman ito ng publiko.

“I will do the process. I mean, kung hindi man ako mapili, okay lang sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kahit i-video, kahit gamitin yung story ko na 'itong si Sofronio, nanalo na pero hindi nakuha.'

"Okay lang sa akin! I don’t think it’s bad na ma-turndown,” saad niya.

Read: Ogie Alcasid, Regine Velasquez to star in Kailangan Kita musical

SOFRONIO VASQUEZ STILL RIDES THE MRT, GOES TO THE MALL WITHOUT COMPANION

Sa kabila ng tagumpay na natamo niya, nananatiling simple ang pamumuhay ni Sofronio.

Hindi siya nag-aatubiling sumakay ng MRT o mamasyal sa mga mall nang walang kasamang alalay at hindi rin nagsusuot ng face mask para hindi makilala.

“Marami na rin po kasi akong naging trabaho so sometimes I miss being alone.

"Minsan, sumasakay po ako ng MRT. Minsan pumupunta po ako sa malls saka hindi po ako nagma-mask.

“I respect other artists kasi may security reasons talaga.

"Pero for me, personally, kapag naikita ako ng mga tao, napa-proud po ako na now, nare-recognize nila ako.

“Hindi ko po naiisipan na magtagu-tago kasi the more na makikita nila ako, the more na makikilala nila ako, so I’m happy.” sabi ng singer.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Para kay Sofronio, mahalagang manatiling approachable sa kabila ng pagkilala at atensiyong natatanggap niya mula sa publiko.

“I am making efforts na be reachable,” aniya.

Hindi rin naman nakaliligtas si Sofronio sa mga negatibong komento online. May ilan umanong tumatawag sa kanyang "mayabang," habang sinasabihan din siyang "laos na."

Lahad niya: “May nababasa ako na comments na mayabang o minsan sinasabi na ‘Huwag kang masyadong mag-feeling kasi laos ka naman na.’

“Hindi ko maisip na bakit naman ako laos kasi kapag sinabi mong laos ka, sumikat ka na so ako, I don’t consider myself sikat.

“I consider myself as working and kung tawagin man nila akong sikat, thank you, pero I still have room to grow.

"So, marami pa akong pagkakataon to prove myself sa lahat po ng audience. I will make more music and I’m still making music.”

Read: Sofronio Vasquez prioritizes career in PH after winning The Voice

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sofronio Vasquez hopes to join the cast of Kailangan Kita, the upcoming musical starring Ogie Alcasid and Regine Velasquez. The The Voice USA 2024 grand champion says he is willing to audition for the production, even if he risks being turned down.
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results