Matapos ang matagumpay na reunion concert ng Viva Hot Babes noong Oktubre 23, 2026, may panibagong hamon na pinagkakaabalahan ngayon si Andrea del Rosario.
Nakatanggap kasi ang aktres ng tawag at inquiry tungkol sa posibilidad na maging bahagi siya ng Women's Polo League sa 34th Southeast Asian Games (SEA Games), na gaganapin sa Malaysia mula Setyembre 18 hanggang 29, 2027.
Bilang isang mahusay na polo player, umaasa si Andrea na matutuloy ang oportunidad na ito. Gayunman, handa siyang magpatuloy sa paghahanda kahit hindi pa kumpirmado ang kanyang pagsali.
“I’m prepping for possibly playing for the Women’s Polo League of the 2027 SEA Games in Malaysia.
“We got a call and inquiry about it. Hopefully it pushes through but whether or not tuloy, I’ll still prepare for it,” sabi ni Andrea sa Cabinet Files.
Samantala, isa sa mga hindi malilimutang bahagi ng reunion concert ng Viva Hot Babes para kay Andrea ang muling pagsasama-sama nila ng kanyang mga dating kagrupo sa entablado, lalo na sa pagtatanghal ng kanilang hit song na “Bulaklak.”
“Dancing to the song ‘Bulaklak’ again on stage with the ladies I grew up with, singing to the songs which made a lot of people happy and which changed our lives completely.
“Muntik pa kaming magkapalit ng microphone ni Maui Taylor. It happens but the show must go on!” kuwento niya.
Read: Andrea Brillantes reveals secret behind her "naked" Halloween look

Tulad ng iba pang miyembro ng Viva Hot Babes, batid ni Andrea na hindi lahat ay matutuwa sa kanilang pagbabalik-entablado.
Gayunman, mas pinipili niyang pahalagahan ang magagandang karanasang nabuo nila sa reunion concert.
“Some people will appreciate, some people won’t. The highs are high and the lows are low but in the end of it all, building memories is what it’s all about!” sabi ni Andrea.
VIVA HOT BABES EYES MORE SHOWS ABROAD
Bukod sa mainit na pagtanggap sa kanilang reunion concert, ikinatutuwa rin ni Andrea ang mga imbitasyong natatanggap ng grupo para dalhin ang kanilang show sa iba't ibang panig ng mundo.
Nagpasalamat siya sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa Viva Hot Babes at nangakong pagbubutihin pa nila ang kanilang mga susunod na pagtatanghal.
“I am grateful, excited and looking forward! Maybe more practice days so we can give them a show better than the last one and make it memorable for those who will watch,” ani Andrea.
Read: Gwen Garci surprised by overseas demand for Viva Hot Babes