Ang Morticia na pagbibidahan nila ni Claudine Barretto ang bagong proyekto ni Bea Binene.
Ito ay matapos ang matagumpay na pelikula nito na patuloy na pinipilahan sa mga sinehan, ang Philippine adaptation ng blockbuster movie na Pee Mak.
Inanunsyo ng Viva Films, Huwebes ng gabi, Nobyembre 5, 2026, ang pagsasama nina Claudine at Bea sa suspense thriller movie na mula sa direksyon ni Topel Lee.
Nasorpresa ang mga tagahanga ni Bea nang ilabas ng Viva Films ang teaser ng Morticia dahil hindi nila inaasahan na masusundan agad ang Pee Mak.
Nakapanayam ng Cabinet Files si Bea sa victory party ng Pee Mak noong Oktubre 22, 2026 sa Greyhound Café, Robinson’s Magnolia, Quezon City.
"Wala pa" ang sagot niya nang tanungin siya tungkol sa kanyang bagong proyekto sa Viva Films.
Walang kamalay-malay ang aktres na mabibigyan agad siya ng follow-up movie dahil ito ang tiniyak sa Cabinet Files ni Viva Films executive producer Valerie del Rosario.
Isang araw makalipas ang 29th birthday ni Bea noong Miyerkules, Nobyembre 4, 2026, ibinalita ng kanyang home studio ang proyekto na pagbibidahan nila ni Claudine.
Read: Baby Dolls addresses biggest issues about them
WILBERT ROSS SUPPORTS BEA BINENE NEW MOVIE
Hindi kasama si Wilbert Ross sa cast ng Morticia.
Pero bilang suporta kay Bea, ibinahagi niya sa social media ang announcement ng Viva Films tungkol sa dapat abangan na suspense thriller movie.
"The Optimum Star, Claudine Barretto, is back to haunt the big screen, alongside with Bea Binene, fresh from the blockbuster success of Pee Mak.
"From the master of horror behind Ouija and Sundo, Topel Lee," saad sa post ng Viva Films at Viva Artists Agency tungkol sa pelikula.
Mag-uumpisa ngayong Biyernes, Nobyembre 6, 2026, ang shooting ng Morticia na tatampukan din nina Mark Anthony Fernandez, Nathalie Hart, at Maricel Morales.