PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Boobsie Wonderland recalls late Ate Gay's oxygen tank blooper

Boobsie Wonderland recalls oxygen tank mishap with late Ate Gay
by Jojo Gabinete
Published 2 hours ago
Boobsie Wonderland recalls Ate Gay's oxygen tank blooper
Boobsie Wonderland (left) shares unforgettable encounter with Ate Gay (background in right photo) when she visited him in the past. Seen on the right are Wacky Kiray, Boobsie, and Pepita Curtis.
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Ang pagkikita nila ni Ate Gay sa bahay nito sa Tondo, Manila ang isa sa mga hindi malilimutan at nakakaaliw na kuwento ng kanyang kapwa komedyante na si Boobsie Wonderland.

Nangyari ang insidente matapos mangyari ang living funeral para kay Ate Gay na naganap noong Oktubre 15, 2026 sa Forest Lake Memorial Parks, Biñan, Laguna.

Ito ang inilahad ni Boobsie sa guesting nila nina Pepita Curtis at Wacky Kiray sa Fast Talk with Boy Abunda, ngayong Biyernes, Nobyembre 6, 2026.

Nabahiran ng saya ang malungkot na pagbibigay-pugay ng tatlo kay Ate Gay sa programa ni Boy Abunda dahil sa karanasan na ibinahagi ni Boobsie.

“After ng living funeral, naatasan po ako na ako yung humanap sa pamilya niya para mag-interbyu.

"Kasi yung ginawa po sa akin ni Ate Gay dati sa Wish Ko Lang, parang payback ko naman sa kanya dahil tinawagan po ako ng Forest Lake Funeral,” ang umpisa ng salaysay ni Boobsie. “

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Medyo nakakatawa po kasi nung pagpunta ko sa pamilya niya, hindi ko ine-expect na nandun siya sa Tondo.

"So pagpasok ko ng bahay nila, sabi ng kapatid niya, 'Ma’am Boobsie, diretso na po kayo sa itaas. Nandoon po si Ate Gay.'"

Sumunod naman daw si Boobsie.

Paglalarawan niya sa kondisyon noon ni Ate Gay: "So nagulat ako. Nawala na sa focus ko yung pag-iinterbyu sa kanya. Pagpunta ko sa itaas, naka-oxygen siya.

"Sabi ko, 'Ate Gay, anong nangyari sa 'yo? Bakit ganyan?' Sabi niya, 'Kahapon pa ako hindi makahinga.'

"Nahihirapan daw siyang magsalita."

Sa kabila ng kondisyon ni Ate Gay, nakipagkuwentuhan pa rin daw ito kay Boobsie.

Read: Gehlee Dangca and Calix Esguerra's acting scene sparks debate

BOOBSIE ON ATE GAY'S OXYGEN TANK

Pero napahinto raw si Boobsie nang bigla niyang mapansin ang oxygen tank ni Ate Gay.

"Napansin ko yung tangke. Sabi ko, 'Paanong hindi ka makakahinga, e, yung tangke, hindi nakabukas?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Idinaan na lang ni Boobsie sa tawa ang pag-alala sa reaksiyon ni Ate Gay.

"Opo, nakakatawa talaga. So ako, tawang-tawa talaga. Alam mo yung hindi kumukulo yung tangke?" ang kuwento ni Boobsie, na hindi napigilang mapahalakhak kaya natawa na rin sina Boy, Wacky, at Pepita.

Hindi biro ang kondisyon ni Ate Gay, pero nakuha pa rin daw nito na mahaluan ng kuwela ang sitwasyon.

"Alam ninyo, umaga pa raw siya nakaratay nang ganoon. Dumating kami, ala-singko nang hapon. Ang ibig sabihin mula umaga hanggang ala-singko nang hapon, nagtitiis siya nang ganoon," ang tawang-tawa na rebelasyon ni Boobsie.

"Sabi ko, 'Daddy, buksan mo nga yung tangke!' Sabi niya [Ate Gay], 'Boobsie, buti na lang, dumating kayong mag-asawa!' Sabi niya, 'Hirap na hirap na ako. Mabuti pala, dumating kayo.'

"Napamura nga siya! Pagkabukas ng tangke, kumulo-kumulo na. Ay, yun pala, ganoon pala."

Sabay sabi pa ni Boobsie, "Ate Gay, I love you!"

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

BOOBSIE ON ATE GAY'S "LAMBING"

Nabanggit din ni Boobsie ang ginagawa ni Ate Gay na pag-block sa kanya sa social media kapag hindi niya napagbigyan ang hiling ng pumanaw na komedyante na, "Beke nemen."

Lambing daw ito ni Ate Gay na bigyan niya ito ng pera.

"Boobsie, baka naman may 2K ka?” ang tanong ni Ate Gay noon sa kanya.

Sagot ni Boobsie, "Ate Gay, wala talaga, e.' Pag-ano ko kinabukasan, blocked na ako [sa FB],” ang aliw na aliw na kuwento ni Boobsie.

Pero ina-unblock din naman daw siya agad ni Ate Gay sa social media kapag naabutan niya ito ng PHP2,500.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Boobsie Wonderland (left) shares unforgettable encounter with Ate Gay (background in right photo) when she visited him in the past. Seen on the right are Wacky Kiray, Boobsie, and Pepita Curtis.
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results