PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Wacky Kiray's realization amidst recent deaths of fellow comedians

Wacky Kiray: "Nakakapraning lalo na kapag sunud-sunod."
by Jojo Gabinete
Published 11 hours ago
Wacky Kiray highlights need to take care of one's health amid recent deaths of fellow comedians.
Wacky Kiray highlights need to take care of one's health amid recent deaths of fellow comedians.
PHOTO/S: Screengrab from Fast Talk With Boy Abunda

Ang sunud-sunod na pagkamatay ng mga stand-up comedian na sina Dax Martin, Arnell Tamayo, Kirara Kawai, at Ate Gay ang ikinaalarma ng kanilang kapwa komedyante na si Wacky Kiray.

"Nakakapraning" ang reaksyon ni Wacky nang tanungin siya ni Boy Abunda tungkol sa halos magkakasunod na pagpanaw ng mga kaibigan at kasamahan niya sa hanap-buhay.

Pinaniniwalaang epekto ito ng kanilang lifestyle tulad nang madalas na pagpupuyat, paninigarilyo, at pagkain ng mga ipinagbabawal.

"Nakakapraning lalo na kapag sunud-sunod. Actually, nangyari na ito before nung sunud-sunod na may mga namatay sa mga host," lahad ni Wacky sa panayam sa kanya ni Boy sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, Nobyembre 6, 2026.

"Ang nangyari, after nun, ang mga bakla, nagpagamot, nagpa-check up uli, pero nung tumagal-tagal, bumalik na naman uli.

"So ngayon, may sunud-sunod uli [na namamatay], lahat sila ngayon, nagpapa-medical na. Dapat every six months, magpa-check up kayo,” ang paalaala ni Wacky.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Regular siyang nagpapa-check up sa doktor bilang pangangalaga sa kanyang kalusugan.

Read: PNP's apology to Thomas Markle Jr. makes international headlines

WACKY KIRAY ON HEALTH CARD FOR LGBTS

Sinabi ni Wacky na importanteng magkaroon ng mga health card ang mga nagtatrabaho sa mga comedy at sing-along bar kaya may panawagan siya sa pamahalaan.

"Sana sa gobyerno, luwagan ninyo naman. Pagdating sa LGBTQIA+ community, parang ang higpit-higpit nila sa health card.

"Buti ngayon, medyo gumaan-gaan na. Dati ang hirap makakuha ng health card, lalo na kapag nalaman nila na mga bading,” sabi ni Wacky.

Minsan na niyang naranasan na makapag-apply ng health card dahil sa kanyang sexual orientation.

At ito ang ipinagtapat niya nang makausap siya ng Cabinet Files nang matapos ang guesting nila nina Boobsie Wonderland at Pepita Curtis sa programa ni Boy.

"Noon, ang hirap makakakuha ng health card kapag nalaman nila na ikaw ay isang gay.

"Nangyari sa akin noon kasi ang mga bakla, ito raw yung madalas makakuha ng sakit. Yun ang tingin nila noon,” ang malungkot na pahayag ni Wacky tungkol sa diskriminasyon na nararanasan ng mga miyembro ng LGBTQIA+ community.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
wacky kiray, Ate Gay, death
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Wacky Kiray highlights need to take care of one's health amid recent deaths of fellow comedians.
PHOTO/S: Screengrab from Fast Talk With Boy Abunda
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results