PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Play PH members react to criticisms on their live TV mishap

P-pop group Play PH went viral because of their live performance of "Crush Kita."
by Jojo Gabinete
Published 2 hours ago
Seen here are Play PH members Wesley, Gab,Travis,James, Kenjie, and Sean.
P-pop group Play PH members share how they handled being bashed for their live performance of "Crush Kita." Seen here are (L-R) Wesley, Gab,Travis,James, Kenjie, and Sean.
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Sina Sean Aldridge, 14, Travis Landicho, 17, Kenjie Bedeo, 18, James Punay, 18, Gab Alegria, 19, at Wesley Francisco, 20, ang mga miyembro ng P-pop boy group na Play PH.

Ilulunsad pa lamang sila sa Enero 2027.

Pero bago pa mangyari ito, nagkasunud-sunod na ang kanilang mga television guesting dahil sa kanilang viral performance noong Oktubre 28, 2026 sa Rise and Shine Pilipinas, ang morning show ng PTV4.

Ang guesting sa nabanggit na programa ang unang television appearance ng Play PH, at live nila na kinanta ang kanilang debut single na “Crush Kita."

Read: Atasha Muhlach speaks about real score with Jacob Ang

PLAY PH ON BEING CRITICIZED FOR THEIR VIRAL PERFORMANCE

Pero dahil kinakabahan, sintunado, pumiyok, at hindi kinaya ng mga miyembro ng Play PH ang pagkanta sa linyang "Kaya mo ‘yan" mula sa sariling awit nila.

Kaya tumanggap sila ng mga batikos mula sa netizens na pinagpasa-pasahan ang video ng kanilang pagtatanghal na agad na nag-viral, nakarating at napanood sa South Korea at Indonesia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Medyo nalungkot po dahil hindi kami satisfied sa performance namin, pero nagulat po kami dahil nag-viral kaya masaya na rin kami," ang pahayag ni James nang makapanayam siya ng Cabinet Files sa guesting ng Play PH sa Kalurks noong Nobyembre 8, 2026.

Ang Kalurks ang entertainment talk show nina DH Jhai Ho, Ashley Rivera, at Baus Rufo na napapanood sa GTV tuwing Linggo.

Sinabi ni James na tatlong buwan pa lamang buhat nang itatag ng direktor na si Kent Martin Dy ng KMD Studios ang Play PH.

At ang SB19 ang P-pop group na kanilang iniidolo.

"May kanya-kanyang laro po kami sa buhay," paliwanag ni James tungkol sa pagpili sa Play PH bilang pangalan ng kanilang grupo na sumablay sa pagkanta pero ito ang naging dahilan para mapansin at mapag-usapan sila.

Read: Cristy Fermin faces NBI to address Claudine Barretto complaint

ON AVOIDING SOCIAL MEDIA AT THE PEAK OF THE ISSUE

Si Peng Calinisan ang ama ni Sean, ang pinakabata sa mga miyembro ng Play PH at ayon sa kanya, dinibdib nang husto ng anak niya ang mga natanggap na batikos dahil sa sintunado at pag-piyok na pagkanta nila sa programa ng PTV4.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nung first few days po, talagang dinibdib ni Sean ang bashing. Ayaw niyang lumabas ng bahay.

"Kinausap namin siya nang kinausap kasi first time niya naka-experience ng bashing.

"Hindi muna namin sila pinagamit ng cellphone at inalis namin ang access nila sa social media,” lahad ni Peng sa Cabinet Files tungkol sa solusyon na naisip nila para hindi maapektuhan ang ang kanilang mga anak ng matindi na online bashing.

"Saka nagkaroon sila ng talk, may nag-counseling po sa kanila. After nun, okay na,” ang sabi naman ni Romeo Landicho, ang ama ni Travis.

Ikinuwento nina Peng at Romeo na nakarating sa South Korea ang isyu tungkol sa Play PH dahil sa mensahe na natanggap nila mula sa Korean national na napanood ang pinag-uusapan na video at nagsabi sa kanilang mga anak na, "You’re famous here, kaya mo ‘yan!"

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
P-pop group Play PH members share how they handled being bashed for their live performance of "Crush Kita." Seen here are (L-R) Wesley, Gab,Travis,James, Kenjie, and Sean.
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results