PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sharmaine Arnaiz is now a licensed veterinary doctor

Sharmaine Arnaiz passes the exam 19 years after graduation.
by Jojo Gabinete
Published 11 hours ago
Sharmaine Arnaiz now a licensed veterinary doctor
Sharmaine Arnaiz on passing the board exam after second try: "It wasn’t easy but I told myself, I’d give it three chances. I failed last year but I got 74.60. Sabi ko, konti pa kaya I tried again this year. Ayun, nakuha ko rin."
PHOTO/S: Courtesy of Sharmaine Arnaiz

Ganap na ang pagiging veterinary doctor ng aktres na si Sharmaine Arnaiz, na ang tunay na pangalan ay Sharmila Pribhdas Ochoa.

Kabilang siya sa 1,083 examinees na nakapasa sa tatlong magkakasunod na araw na Veterinarians Computer-Based Licensure Examination, na ginanap mula Nobyembre 4 hanggang Nobyembre 6, 2026.

Inilabas ng Professional Regulation Commission (PRC) ang resulta ng mga nakapasa sa board exam noong Lunes, Nobyembre 9, 2026, o walong araw matapos magdiwang si Sharmaine ng ika-52 na kaarawan noong Nobyembre 1.

Taong 2007 nang magtapos siya ng Veterinary Medicine sa De La Salle Araneta University, Malabon City.

Buntis si Sharmaine noon kay Miguel, ang pangalawang anak nila ni Che Ochoa.

At makalipas ang halos dalawang dekada, saka lamang natupad ang pangarap niya na magkaroon ng lisensya bilang veterinary doctor.

Isang inspirasyon sa lahat ang nakamit na accomplishment ni Sharmaine.

"I wasn’t expecting to pass. It was so hard kaya when everyone started texting and calling me last night, I was in disbelief. I cried,” kuwento ni Sharmaine sa panayam sa kanya ng Cabinet Files ngayong Martes, Nobyembre 10, 2026.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tita Bibsy would have been proud. If not for her, hindi ko magagawa na mag-aral while doing movies," ani Sharmaine.

Hindi niya nakalimutang pasalamatan ang kanyang dating manager na pumanaw noong Disyembre 2016.

Si Bibsy ang nagkumbinsi noon kay Sharmaine na tapusin ang kanyang pag-aaral.

Read: Aiza Marquez admits third party caused separation with husband

SHARMAINE ARNAIZ ON PURSUING HER DREAM

Nagdesisyon naman si Sharmaine na kumuha ng Veterinarians Computer-Based Licensure Examination dahil sa kagustuhang mabigyan ng pagkakataon ang sarili niya.

"Nag-review ako kahit papaano. All my kids will be in college next year. Naisip ko, ano ang gagawin ko after?

"College na si Misha next year. It’s my turn to follow my dreams.

"I’ve given everything to my children. I told them, I will resign as [their] driver next year.

"Malalaki na sila and they asked me, 'Mom, di ba you’re a vet?' So I asked myself if I was willing to give it a chance," lahad ni Sharmaine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi raw siya natinag kahit na hindi agad siya pumasa sa first attempt niya na mag-board exam.

"It wasn’t easy but I told myself, I’d give it three chances. I failed last year but I got 74.60.

"Sabi ko, konti pa kaya I tried again this year. Ayun, nakuha ko rin."

"I’ve always wanted to be a practicing vet. Maybe that’s where I should be. I prayed to God, I know He is guiding me."

Read: Atasha Muhlach speaks about real score with Jacob Ang

SHARMAINE ARNAIZ KIDS

Hindi lamang si Sharmaine sa kanyang pamilya ang nakapasa sa board exam dahil licensed nurse na ang anak niya na si Gab na pumasa naman noong Agosto 2026.

Ipinagmaneho pa raw niya ng sasakyan ang panganay na anak nang kunin nito ang nursing license sa tanggapan ng PRC.

"Gab, 22, also passed his nursing boards this August. Migs is 19 and he’s a business course student sa La Salle Taft; and Misha, 17, will be in college next year.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Kahapon lang nakuha ni Gab ang license niya sa PRC tapos ako naman ang mag-oath taking sa December," excited na kuwento pa ni Sharmaine.

Si Sharmaine ang naging kinatawan ng mga magulang sa graduation day ni Gab at ng mga kapwa nito nursing student kaya siya ang naghatid ng talumpati.

"I told them, hindi lang sila ang naghahabol ng dreams nila. I too will take the board exam and I exposed my fears and my desire to chase my dreams.

"I did not know I would also pass it this year. I was so scared to fail,” ani Sharmaine.

Wala nang takot na nararamdaman si Sharmaine dahil nagtagumpay siya na makamit ang lisensya bilang veterinary doctor sa edad na 52.

Isa itong patunay na wala sa edad ang katuparan ng mga pangarap ng mga tao na hindi nawawalan ng pag-asa at pananalig sa Panginoong Diyos.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharmaine Arnaiz on passing the board exam after second try: "It wasn’t easy but I told myself, I’d give it three chances. I failed last year but I got 74.60. Sabi ko, konti pa kaya I tried again this year. Ayun, nakuha ko rin."
PHOTO/S: Courtesy of Sharmaine Arnaiz
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results