PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ai-Ai delas Alas kids on her dates: "Lagi naming nahuhuli."

Sancho delas Alas clarifies he's not friends with Gerald Sibayan.
by Jojo Gabinete
Published 2 hours ago
Ai-Ai delas Alas spends 62nd birthday with Sophia and Sancho
Ai-Ai delas Alas on hiding the truth about her separation from Gerald Sibayan: "Kaya itinatago ko lahat, from the beginning, mga pain, lahat ng sakit kasi ayokong saktan yung mga anak ko. Kung kaya kong tiisin lahat ng sakit, para hindi sila maapektuhan dahil sobra ko silang mahal. Sila ang buhay ko."
PHOTO/S: Jojo Gabinete

"Pagmamahal" ang regalo ni Sophia delas Alas, habang si Sancho delas Alas ay ang siyam na buwan na anak niyang si Mia ang birthday gift para sa ina nilang si Ai-Ai delas Alas.

Ngayong Miyerkules, Nobyembre 11, 2026, nagdiriwang ang Comedy Queen ng kanyang ika-62 na kaarawan.

Kasama sina Sancho at Sophia, ipinagdiwang ni Ai-Ai ang kaarawan sa Fast Talk with Boy Abunda.

"Parati ako dito nagbi-birthday celebration.Two years ago, umiyak ako. Ngayon, I am happy!”

Nang kumustahin ni Boy si Ai-Ai kay Sophia, pagkumpirma nito, "She’s happier now.”

Sabi rin ni Sancho, "Happier. Hindi ko po alam kung dahil sa Hyrox pero mas masaya siya. Iba yung energy.

"Mas malakas, saka ngayon, parang mas active siya sa buhay namin especially na lola na siya. Sobrang nandoon siya palagi to take care of Mia."

Papuri pa ni Sophia kay Ai-Ai, "Blooming si Mama. Happiness niya yung Hyrox."

Read: BINI Mikha faces license suspension over viral driving video

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ON AI-AI DELAS ALAS LOVE LIFE

Inamin din ni Sophia na nakikialam sila ni Sancho sa lovelife ng ina.

"Happy naman kasi kami as a family. So kapag may dumarating, hindi ko muna pinapansin talaga kasi they come and go.

"Yung iba, nagpapa-Gcash lang," ang walang prenong rebelasyon ni Sophia na ikinagulat ni Ai-Ai, pero hindi nito itinanggi ang kuwento ng kanyang nag-iisang anak na babae.

Ipinagtapat ni Ai-Ai na inililihim niya ang kanyang pakikipag-date pero natutuklasan ito nina Sancho at Sophia.

"Kahit naman nagsi-secret si Mama, lagi naming nahuhuli. Sinasabi niya, 'Huwag ninyo akong hahanapin, ha?'

"Kapag yun na ang mga litanya niya, nako, may lakad na naman ito,” ang sabi ni Sancho.

"Lumalabas siya, naka-red lipstick, 'Ma, saan ka pupunta?' 'Ah, diyan-diyan lang.' E, naka-red lipstick," panlalaglag din ni Sophia.

Read: Kim Chiu eyes legal action vs. individuals spreading fake news

SANCHO DELAS ALAS NOT FRIENDS WITH GERALD SIBAYAN

Samantala, itinuwid ni Sancho ang maling akala ng lahat na magkaibigan sila ni Gerald Sibayan, ang ex-husband ng kanyang ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaugnay ito ng impormasyon noon na nagkakilala sina Ai-Ai at Gerald dahil kay Sancho.

"I-clarify lang po natin kasi yun talaga ang for the longest time, sinasabi nila na kaibigan ko si Gerald.

"Hindi. Malayo ang age gap namin, so never kaming naging magka-batch sa school.

"La Sallista din, pero hindi kami magkaibigan. Kumbaga, nakilala ko lang siya dahil kay Mama," ang paglilinaw ni Sancho.

Sa isang punto ng panayam, sinabi ni Ai-Ai na nang maghiwalay sila ni Gerald ay isang taon silang hindi nag-usap ni Sophia.

Inilihim daw kasi niya sa mga anak ang katotohanan sa likod ng breakup.

Napaiyak sina Sophia at Sancho nang marinig ang kuwento ng ina.

Lahad ni Ai-Ai patungkol kay Sophia: "One year ko siyang hindi kinausap. Kailan lang kami nag-usap.

"Kaya itinatago ko lahat, from the beginning, mga pain, lahat ng sakit kasi ayokong saktan yung mga anak ko.

"Kung kaya kong tiisin lahat ng sakit, para hindi sila maapektuhan dahil sobra ko silang mahal. Sila ang buhay ko."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Alam ni Ai-Ai na lubos na nasaktan ang mga anak sa sinapit niya sa hiwalayan nila ni Gerald.

"Sabi ko nga, mas magaling akong nanay kesa magaling akong asawa kasi mas pinoproteksyunan ko yung mga anak ko kesa sa nararamdaman ko.

"Pero nung sinabi ko sa kanila yung totoong dahilan, dun na sila nag-decide, 'Ah, kaya pala ito gusto ni Mama.'"

Read: Always feeling bloated? Here’s what you need to know

A MOTHER'S LOVE

Tanong naman ni Boy, " If you were to say thank you and sorry to your children, what would you say?”

Sagot ni Ai-Ai, "Thank you kasi nandiyan kayo kahit luka-luka si Mama, parati ninyo akong tinatanggap kahit anong mangyari sa buhay ko.

"Kapag nasasalanta ako, nandiyan pa rin kayo para sa akin at kayo ang reason kung bakit ako lumalaban sa buhay.

"Patawarin ninyo ako. Sorry kasi kaya hindi ko nasasabi yung mga masasakit na nararamdaman ko, yung mga nangyayari sa lovelife ko na pangit, kasi pinoprotektahan ko yung nararamdaman ninyo dahil ayoko silang masaktan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas on hiding the truth about her separation from Gerald Sibayan: "Kaya itinatago ko lahat, from the beginning, mga pain, lahat ng sakit kasi ayokong saktan yung mga anak ko. Kung kaya kong tiisin lahat ng sakit, para hindi sila maapektuhan dahil sobra ko silang mahal. Sila ang buhay ko."
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results