Kumpleto ang kaligayahan ng Thailand-based social media influencer na si Sinon Loresca dahil nakita niya nang personal at nakasama sa pagtakbo ang Thai superstar actor na si Nadech Kugimiya.
Read: Nadech Kugimiya reveals health struggles linked to intense training, strict dieting
Nangyari ang pagtatagpo ng dalawa noong Miyerkules ng gabi, Nobyembre 11, 2026.
Kinainggitan si Sinon ng mga Filipino fans ni Nadech nang ibinahagi nito sa social media ang kanilang mga video at larawan.
"Naku grabe! Sobrang happy ako kasi sobrang idol ko si Nadech. Super duper noon pa. Six or seven years ago.
"Bago pa yata ako naging artista sa Pilipinas, idol na idol ko iyan,” ang umpisa ng kuwento ni Sinon nang makausap ito ng Cabinet Files ngayong Huwebes, Nobyembre 12.
THE FIRST TIME SINON LORESCA SAW and met NADECH KUGIMIYA in persoN
Taong 2019 daw noong unang nasilayan ni Sinon sa Nadech sa personal.
"Nanood ako ng parade somewhere in Thailand province, nasa Thailand ako noon, nakita ko siya sa float. Kaway siya nang kaway, ang dami niyang security na kasama.
"Kumaway ako. Sabi ko, ‘Hi!' Pero siyempre, hindi niya ako nakita. Fan na fan ang eksena ko.
"So sabi ko, time will come, magkikita tayo nang mukha sa mukha,” ang sabi ni Sinon na nagdilang-anghel dahil makaraan ang pitong taon, natupad ang pangarap niyang makilala si Nadech nang personal.
Hindi makapaniwala si Sinon na tulad ni Thai Princess Sirivannavari Nariratana, tinatangkilik at pinanonood daw ni Nadech ang kanyang mga video content.
Read: Sinon Loresca recalls meeting Thailand's Princess Sirivannavari
Pagpapatuloy ng kuwento ni Sinon: "So ganito na nga ang nangyari. My God, nagkatotoo nga.
"Noong Wednesday, November 11, nag-message sa akin ang matalik na kaibigan ni Nadech, tatakbo raw sila, 6:30 P.M.
"Gusto raw ni Nadech na sumama ako. 'Hala kilala niya ako?!' Kinilig ako. Siyempre um-oo agad ako, si Nadech iyon!
"Idol ko iyon, ano ba naman! Sa dami-dami ng puwedeng imbitahan, bakit ako?
"Nung nag-meet kami, napaka-humble niya. Napakabait sa personal. Hindi niya ipaparamdam sa iyo na superstar siya.
“Sinabi niya sa akin, ‘Lagi kong napapanood ang mga video mo. Yung nagha-high heels ka. Yung mga ginagawa mo dito sa Thailand.’
"Hala kinilig ako lalo. Dyusko, Nadech pala ang mga nanonood ng video ko. Sobrang happy ko. Fan moment talaga ang eksena ko.”

SINON LORESCO: NADECH KUGIMIYA IS LIKE ALDEN RICHARDS
Si Alden Richards ang sumagi sa isip ni Sinon nang magkaharap sila ni Nadech dahil parehong mabait at mapagkumbaba raw ang mga nabanggit na aktor.
"He reminded me of Alden Richards. Ganoon na ganoon po ang galawan ni Nadech as in. Napaka-humble, on-and-off camera or walang camera talaga.
"Grabe yung bait ni Nadech. Hindi niya ipaparamdam sa iyo na, 'I’m a superstar.' I am your friend. You’re here with me. I’m talking with you. Hindi ako superstar, magkaibigan tayo, parang ganoon.
"Saka ang sarap tumakbo. Alam ninyo ba ang tinakbo namin? Twenty-seven kilometers. Kinaya ko iyon, hindi ako nag-stop kasi kasama ko siya. Kasabayan ko talaga siya sa pagtakbo.
"Magkasama kami mula 6:30 P.M. Past 9 P.M. na nang matapos ang pagtakbo namin. Grabe kinaya ko talaga. Nag-bonding kami. Na-enjoy ko, nagkuwentuhan kami.
"Saka ang mga kasama namin, yung group of friends lang niya. Siguro mga fifteen kami. Nakakatuwa. Basta I am so grateful and happy na na-meet ko siya.
"Bihira lang naman kasi akong maging faney ng mga artista.Yun talagang bet na bet ko.
"Lahat naman halos ng mga artista sa Pilipinas, na-meet ko na, nakatrabaho ko pa yung iba so talagang nasanay na ako sa ganoong moment, pero yung ma-meet ko ang bet na bet ko na superstar sa Thailand, ay ibang level iyon!
"Nakakahaba ng hair, baka maapakan mo!” ang masayang-masaya na lahad ni Sinon.
SINON LORESCA'S POPULARITY IN THAILAND
Kinumpirma ng isang Thai na kaibigan ng Cabinet Files ang popularidad ni Sinon sa Thailand dahil kabilang siya sa mga sumusubaybay sa social media pages ng nakakaaliw na Filipino influencer na pinarangalan na The Best Influencer Promoting Thailand noong Nobyembre 1, 2026.

"Sobrang blessed ko. Siyempre nasa Thailand ako, naa-appreciate po nila yung mga content na ginagawa ko, showcasing Thailand. Kung gaano kaganda ang kultura nila, kung gaano kabait ang mga Thai. Kung ganoon kasarap ang mga food nila.

"Tapos isinusuot ko yung mga Thai dress nila. Na-appreciate nila iyon hanggang maimbitahan ako ng Viral Hits. First award ko, binigyan nila ako ng Best Influencer Promoting Thailand.
"Pilipino ako, nakaka-proud naman na isang Pilipino na nasa Thailand, nakakakuha ng ganitong award.
"As an influencer na galing sa Pilipinas at pumunta sa Thailand, hindi naman ako nag-expect na makakakuha ako ng award so napaka-grateful ko. Napaka-blessed ko.
"As an influencer, bonus ito sa akin, yung makatanggap ka ng award. Yung lagi kang may viral videos, okay iyon."

"Expertise ko na po iyon noon sa Pilipinas pero yung makatanggap ka ng award sa ibang bansa,it’s such a big deal for me.It’s a big win for me.
"Hanggang sa madagdagan iyon dahil binigyan uli ako ng isang award so dalawa na ang awards ko.
"Nagkasunod-sunod dahil after three weeks, nakatanggap uli ako at meron pang upcoming two awards for Best Influencer, sa November 26 at saka sa December 24,2026.
"Ganito pala ang feeling kapag award-winning infuencer ka, charez! Nakakakilig!” ang pahayag ni Sinon na patuloy na naghahatid ng karangalan sa Pilipinas, kahit naninirahan siya ngayon sa Thailand.