Ang pre-wedding vows nina Chloe San Jose at Carlos Yulo ang itinanong sa kanila ni Boy Abunda sa guesting nila sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Biyernes, Nobyembre 13, 2026.
Read: Carlos Yulo, Chloe San Jose announce engagement
Punumpuno ng pagmamahal ang mga mata nina Chloe at Carlos habang tinitingnan nila ang isa’t isa at binibigkas ang kanilang mga pasasalamat at pangako sa isa't isa.
"I wanna thank God for giving him to me. Thank you for loving me unconditionally, walang kapalit and very self-caring,” ang mensahe ni Chloe para kay Carlos.
Dagdag ni Chloe, "Parang the effort and the time to really make our relationship work and for being so generous in everything. For sharing everything that you have and for being so selfless.
"He’s really a selfless man talaga, the best. Just being close to God is what I want to thank you for."
Pinasalamatan naman ni Carlos ang Panginoong Diyos dahil Ito umano ang gumawa ng paraan na magkasama sila ni Chloe.
"It’s really God who made us altogether na magkasama. I’m just really grateful sa mga ipinakita mo sa akin na ganito pala kaganda yung mundo," pahayag ni Carlos.
Komportable nang magsalita ang Olympian sa harap ng publiko tungkol sa kanyang mga saloobin para kay Chloe.
Pahayag pa ni Carlos: "Without you, parang huwag na lang. Thank you sa napakalaki mong puso na tulungan ako na i-reach everything sa buhay ko."
"I am just really grateful sa pagmamahal, always. Not only sa akin, sa family na meron tayo ngayon, and of course, sa mga kapatid ko.
"I am just really happy to have you in my life and puro pasasalamat talaga sa Panginoon na ibinigay ka Niya sa akin.
"Talagang hiniling kita. I really wish and pray na bigyan Niya ako ng partner na kagaya mo. It’s perfect."
Read: LANY's Paul Klein apologizes to Cebu fans over canceled show
CARLOS YULO ON ENGAGEMENT RING FOR CHLOE SAN JOSE
Ikinuwento ni Carlos na pinili niya ang klase ng engagement ring na hindi mukhang engagement ring para kay Chloe.
Aniya: “ We’re really open to everything so gusto namin, both of us, hindi siya mukhang engagement ring and hindi siya normal na ring.
"For me, gusto ko magamit niya into fashion. Magagamit niya anytime.
"So yung napili ko po, based din sa nagustuhan ko at that moment. It’s priceless.
"She deserves everything na kung ano yung kaya kong ibigay sa kanya."
Sabi naman ni Chloe, "Of course, kinikilig din po. I am always so blessed.
"God has given me a very generous and caring man. And I feel very loved of course, all the time."