Hindi matutumbasan ang pagmamahal nina Lloyd Samartino at Louie Ignacio sa kanilang mga ina.
Ito ang ibinahagi nila sa media conference ng 40 Days, ang pelikula ng LVD Productions na nakatakdang ipalabas sa mga sinehan sa Disyembre 9, 2026.
Si Lloyd ang 66 year old son ng veteran singer-actress na si Carmen Soriano, habang si Louie ang direktor ng 40 Days.
Nag-iisang anak ni Carmen si Lloyd.
Si Lloyd ang nag-aalaga sa kanyang ina na nagmamaneho pa rin ng sasakyan sa edad na 86.
"Because lalake ako... Usually it’s the daughter that steps up pagdating sa mga nanay. Usually. Not always, like in the case of Direk Louie.
"But sa akin kasi, I’m starting to realize na since I’m an only child, I have to step up. I take care of my mom now," salaysay ni Lloyd.
Siniguro raw ni Lloyd na magkalapit lang sila ng bahay ng kanyang ina.
"Fortunately, may mga paupahan ako, so what I did, I set up one unit for her.
"Because sabi ko, 'Mother, masyadong malayo, nasa Multinational Village yung bahay mo. Ibenta mo na yan, scale down. Yung mga gown mo, ilagay natin sa kahon."
Read: PBB Collab 3.0 welcomes new housemates
LLOYD SAMARTINO ON CARING FOR HIS MOTHER
Malakas pa raw ang kanyang ina, pero dama raw niya ang pag-aalala at pagkalingang kailangan nito.
Lahad pa ni Lloyd: "Kaya lang, nagda-drive pa rin ang mom ko. And I’m starting to realize na ikaw na pala ang parent pagdating sa ganoon.
"Ikaw na ang magulang ng magulang mo.
"Ikaw na ang nagche-check, bakit wala pa siya sa bahay. 'Anong wala sa ref mo?' Yung mga hindi ko iniisip noon.
"And you’re also reminded of your mortality.
"Kapag medyo sinipon yung mom mo, ano ka na, kasi ‘yan ang pumapatay sa mga senior talaga, yung pneumonia, lalo na during COVID."
Hiling ni Lloyd na bigyan pa siya ng mas matagal na panahong makapiling ang ina.
"For me, hindi pa naman ako nagpe-prepare pa. But I’m very aware sa mga nakikita mo sa mga kaibigan mo who’s parents have passed on.
"Na talagang ikaw lang ang sasandalan. Ikaw lang talaga.
"I hope I would still have my mom longer, but the reality is there. When you have a parent that’s 86, iba na ang consideration mo sa kanila, so sa akin ganoon."
Read: Cai Cortez driver's license suspended over viral dancing video
LOUIE IGNACIO's mom inspiration behind 40 days
Ang 1979 movie na Gabun, na pinagbidahan ni Lloyd, ang paborito ni Louie, kaya natuwa siya na nagkaroon sila ng pagkakataong makatrabaho ang isa’t-isa.
Malapit sa puso ni Louie ang 40 Days dahil halaw ang kuwento nito mula sa personal na karanasan niya bilang anak sa kanyang ina na pumanaw noong Marso 2026.
Sinabi ni Louie na ang nanay nito ang kanyang makikita sa mga eksena at karakter na ginampanan ni Perla Bautista kapag pinanood niya ang pelikula.
"Kung ako ang manonood, yung nanay ko ang nandoon. Yung pain na nararamdaman ng isang may Dementia, Alzheimer’s, tapos meron ka pang bed sores na napakalala.
"Ganoon ka-painful yung kanyang buhay for one year. Yun ang ipinakita ko sa pelikula for Tita Perla.
"Natuwa lang ako kasi, kuhang-kuha niya."
Matindi raw talaga ang hugot niya sa pelikula.
"Actually, nung nagsu-shoot, umiiyak din ako kasi for one year, ako ang nag-alaga sa mom ko.
"Hanggang ngayon, nararamdaman ko siya. Nagigising ako ng 4 A.M., may umiiyak sa ibaba. Ganoon katindi. Ganoon na ganoon ang ginawa ni Tita Perla sa pelikula," pagmamalaki ni Louie.
LOUIE WRITES SONG FOR MOM
Naengganyo siyang isulat ang "Liham Kay Inay" na inawit ni Hannah Precillas at ginamit na theme song ng 40 Days.
"Hindi ako naningil kahit singko kasi sabi ko, 'Kailangan may theme song ang pelikula. Kailangan gumawa ako ng isang memorable song na tatatak sa 40 Days.'
"Ino-offer ko ito kasi kamamatay lang ng mom ko last March 2026, so ito yung aking konting regalo sa kanya. Pasasalamat sa aking mahal na ina."