Noong Lunes, Nobyembre 16, 2026, ang ika-14 kaarawan ni Kyle Reese Degullacion.
Si Kyle ang estudyante at basketball player na napiling gumanap sa karakter sa isinasapelikulang kuwento ng buhay ni Rene Baterbonia, ang student-athlete ng Ateneo de Manila University na pumanaw noong Hunyo 8, 2026.
Kasama ng kapwa student-athlete, ang Nigerian national na si Divine Adili, nalunod at namatay si Rene habang nasa training activity sila sa karagatan ng Dipaculao, Aurora.
Walang acting experience si Kyle pero pinalad mapili para gampanan ang katauhan ni Rene.
Read: Ethan Benares says sorry to Gehlee Dangca over "dinosaur" issue
Ipinahayag ni Rose Jane Degullacion ang kaligayahang nararamdaman nang makipag-ugnayan sa kanya ang Cabinet Files ngayong Martes, Nobyembre 17, 2026, dahil artista na ang anak niyang si Kyle.

“Sobrang saya po namin dahil hindi namin akalain na madaming bata, pero yung anak namin ang kinuha para sa role ng young Rene,” reaksiyon ni Rose tungkol sa hindi nila inaasahang pagbabago sa buhay ni Kyle.
“Si Kyle ay isang mabait at mapagmahal na bata, kahit minsan may pagkakulit din.
"Siya ay isang friendly na bata, kahit 14 years old pa lang siya. Marunong siyang makisalamuha sa kahit hindi niya kaedad,” pagsasalarawan pa ni Rose sa kanyang anak
Hindi pa makapagbigay si Rose ng detalye tungkol sa pagkakapili kay Kyle para gumanap na batang Rene.
Paliwanag niya: “Ang coach niya po ang nagha-handle sa kanya. Hindi pa rin kami nakakapag-usap nang maayos dahil busy din po sila.”
OTHER CAST MEMBERS OF RENE BATERBONIA MOVIE
Si BB Gandanghari ang direktor ng pelikula tungkol sa buhay ni Rene Baterbonia.
Nag-umpisa na ang shooting para sa pelikulang hindi pa inaanunsiyo ang magiging pamagat.
Sina Jean Garcia at Ariel Rivera ang mga gaganap bilang Rovelyn at Rene Sr., ang mga magulang ni Rene.
Samantalang mentor at coach ang gagampanan ni Rommel Padilla sa biopic ni Rene.

Read: Vandolph Quizon's daughter Quira, 18, shares battle with cancer