Tulad ng Hollywood actress na si Angelina Jolie, na bumisita sa Pilipinas noong Nobyembre 10, 2026, hindi rin nakaligtas si U.S. President Donald Trump sa mga AI-generated photos na likha ng malilikot ang utak na mga Pilipino.
Kung kumalat ang mga larawang “spotted” si Angelina sa Greenhills tiangge at sa Quiapo, lumitaw naman sa social media ang mga AI-generated photos ni Trump na kasama ang mga ordinaryong Pilipino.
Dahil sa dami ng mga larawang ito, pati ang isang tunay na litrato ni Trump kasama ang dating ABS-CBN entertainment reporter na si Ginger Conejero at TV5 showbiz reporter na si MJ Marfori ay napagkamalan ding gawa ng artificial intelligence.
TRUMP PHOTO WITH GINGER CONEJERO AND MJ MARFORI
Hindi AI-generated ang larawan nina Trump, Ginger, at MJ.
Authentic photo ito na kuha sa 63rd Miss Universe pageant na idinaos sa FIU Arena, Miami, Florida, noong Enero 2015.

Noon, hindi pa nahahalal na pangulo ng Amerika si Trump at hindi pa mahigpit ang kanyang mga bodyguard. Kaya nakapagpaunlak siya sa hiling nina Ginger at MJ na magpakuha ng litrato nang magkakasama.
Muling napag-usapan ang lumang larawan nang dumating si Trump sa Pilipinas noong Nobyembre 17, 2026, para sa ASEAN Summit.
Kasabay ng pagkalat ng mga AI-generated photos niya na likha ng mga malilikhaing Pilipino, nahalungkat din sa Internet ang litrato nila nina Ginger at MJ.
Pero hindi lamang mga larawan at memes ang naging usap-usapan sa maikling pananatili ni Trump sa bansa.
May mga kuwento rin tungkol sa kanyang mga naging ganap sa Pilipinas, kabilang ang isang Pinoy fast-food treat na ibinigay sa kanya ni President Ferdinand Marcos Jr.
Read: Vice Ganda censored in Malaysia's Eurovision Asia broadcast
TRUMP'S NEW FAST-FOOD FAVORITE?
“Trump has a new fast-food favorite thanks to the Philippines,” ang headline ng British online newspaper na The Independent.
Iniulat ng pahayagan na nagregalo si Marcos kay Trump ng pagkain mula sa Jollibee bilang “taste of Manila” bago ang kanilang bilateral meeting.
“Opening the bilateral meeting with Trump the following day, President Ferdinand Marcos, Jr. revealed more about his gift: a ‘taste of Manila’ in the form of a Jollibee delivery.
“‘Since you’re strapped for time, I thought a taste of Manila might be good,’ Marcos said. ‘So last night, I asked my staff to have some Jollibee delivered as a late-night snack for you and your delegation.’
“As Marcos spoke, Trump smiled and nodded but did not comment on the delivery. Then, the Philippine president went on to say that the chain is so successful that it is challenging the U.S. fast food giant.
“Jollibee is a very popular chai nand one of their main products is fried chicken and we are very proud to say that we have surpassed KFC in the United States in terms of popularity,” bahagi ng ulat ng The Independent tungkol sa diumano’y bagong fast-food favorite ni Trump.

Read: Vandolph Quizon's daughter Quira, 18, shares battle with cancer
ELON MUSK also arrived in the PHILIPPINES
Habang ang Jollibee ang naging tampok sa isang kuwento tungkol kay Trump, isa pang kilalang personalidad sa mundo ng teknolohiya ang napabalitang dumating din sa Pilipinas sa gitna ng ASEAN Summit.
Napagkamalan namang fake news ang balitang dumating sa Pilipinas ang American tech billionaire na si Elon Musk.
Pero kinumpirma ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel “Babes” Romualdez na totoo ito.
Sa panayam kay Romualdez sa Headstart ng ANC, sinabi niyang sakay ng private plane, dumating si Musk sa Pilipinas noong Miyerkules ng tanghali, Nobyembre 18, 2026.
Mula rito, sumakay si Musk sa Air Force One upang samahan si Trump sa biyahe nito sa China.
Isiniwalat din ni Romualdez na madalas bumisita si Musk sa bansa dahil malaki ang interes niya rito para sa kanyang mga kompanyang SpaceX at Tesla.
Tila nakaligtas ang impormasyong ito sa matalas na pang-amoy ng Philippine media.

Read: Angel Castro on estranged mom Raven Villanueva: "Parang itinapon niya ako."
JED MADELA ON FOX NEWS
Samantala, may isa pang Pinoy na nakakuha ng atensiyon dahil sa pagbisita ni Trump—hindi dahil nakasama niya ang U.S. president, kundi dahil napansin niya ang isang pamilyar na imahe sa ulat ng Fox News.
Ibinahagi ng singer na si Jed Madela sa kanyang Facebook page ang screenshot ng ulat ng Fox News tungkol sa pagbisita ni Trump sa Pilipinas.
“Nasa FOX NEWS kami!!!” caption ni Jed sa screenshot.
Sa likuran ng news anchor na si Mark Meredith, makikita ang billboard ng VOIC3S, ang concert nina Jed, Martin Nievera, at Sofronio Vasquez na gaganapin sa The Theatre ng Solaire sa Disyembre 31, 2026.
Halos hindi mapansin ang billboard sa ulat ng Fox News, pero sadyang matalas ang paningin ni Jed kaya agad niya itong napuna.

AMERICAN GETS CONFUSED ABOUT ASEAN AND ASIAN
At kung may nakatutuwang napansin si Jed sa nasabing ulat, may isa namang American netizen na naging tampulan ng batikos dahil sa kanyang naging reaksyon sa balita tungkol sa pagdalo ni Trump sa ASEAN Summit.
Kinuwestiyon ng American citizen ang ulat ng Fox News tungkol sa pagdalo ni Trump sa ASEAN Summit dahil tila napagkamalan niyang maling baybay ng salitang Asian ang ASEAN.
“Trump in Philippines for ASEAN Summit” ang caption ng ulat ni Meredith sa Fox News.
Pinalagan ito ng netizen at nagkomento ng “Fox News Can’t spell ASIAN?”
Dahil dito, nakatanggap siya ng mga batikos dahil tila hindi niya alam ang pagkakaiba ng kahulugan ng ASEAN at Asian.
