Ipinagdiwang ni Jericho Rosales ang kanyang ika-30 anibersaryo sa showbiz sa Eat Bulaga nitong Sabado, Nobyembre 21, 2026.
Sa longest-running noontime show nagsimula ang kanyang career matapos siyang tanghaling grand winner ng Mr. Pogi contest noong Nobyembre 16, 1996.
Naging madamdamin ang pagdiriwang nang mapanood ni Jericho ang videotaped message ng kanyang ina na si Rosario, o mas kilala bilang Mommy Rose.
“Hello Jing, happy anniversary. Love na love kita,” mensahe ng kanyang ina.
Hindi napigilan ni Jericho na maluha matapos mapanood ang video.
Ibinahagi rin ng aktor kung gaano siya nagpapasalamat sa Eat Bulaga sa pagbibigay ng pagkakataong makapagbigay ng mensahe ang kanyang ina, na may Alzheimer’s disease.
“I feel so humbled saka papaano ninyo napagsalita yung Mama ko because may Alzheimer’s siya, so thank. Thank you sa inyong lahat.”

Read: James Yap speaks up about surprise reunion with son Bimby at hospital
MR. POGI CONTEST RETURNS
Nagulat naman si Jericho nang ianunsiyo ni Eat Bulaga! host Vic Sotto na ibabalik ang Mr. Pogi contest.
Tatawagin itong “Mr. Pogi, The Jericho Rosales of the New Gen,” at magsisimula ang auditions sa susunod na linggo.
Ikinuwento rin ng aktor na hiniling niyang makabalik sa Eat Bulaga!, ang programang malaki ang naging papel sa kanyang career.
“Nagpunta ako dito, PHP1,500 lang yung kailangan ko. Binigyan nila ako ng higit pa, higit pa sa salapi, pati career and ang dami-daming memories.
“It’s been thirty years but one thing I remember the most when I was starting was the kindness, the coolness and warmth of this family and Francis Magalona.
“Francis Magalona, siya yung kasama ko sa tsubibo na nag-a-announce kami ng mga criteria for judging ng mga dancer, ng winners and everything.
“After nun pack up, uwi na, Tamaraw FX na ulit, but I would never forget how cool he was,” pagbabalik-tanaw ni Jericho.
Bilang pag-alala sa yumaong actor-rapper na si Francis Magalona, inawit ni Jericho ang hit song nitong “Kaleidoscope World.”
Sa panayam naman sa kanya ng mga host, muling ipinahayag ni Jericho ang kanyang pasasalamat sa pagbabalik sa programang naging bahagi ng kanyang buhay.
“It’s always nice to come home, to come back. Maraming salamat for saying to my request to come back here.”
Read: James Yap, Marc Pingris, JC Intal, other PBA stars mourn PJ Simon
JERICHO RECALLS MR. POGI AUDITION
Binalikan din ni Jericho ang kanyang karanasan nang sumali siya sa Mr. Pogi contest noong 1996.
Ayon sa aktor, labis ang kanyang kaba noon na para bang hihimatayin siya.

“Sobrang kaba. Yung parang luluwa na yung puso ko.
"But dun ko na-testing talaga na kailangan mong lampasan, pero nagpapasalamat ako kay Jose.
“Siya yung nag-advice sa akin na ‘Ngumiti ka lang sa judges.’
“Isa siya sa pinakamabait sa akin noon. Thank you, Bro."
Si Jose Manalo ay nag-umpisa bilang production assistant ng Eat Bulaga! bago naging co-host.
Pagpapatuloy ni Jericho: “Tapos naaalala ko, nag-e-FX ako noon papuntang Broadway Centrum mula Marikina.
“Tapos pupunta ako sa American Boulevard. Dun kami bibili ng mga costume. Kasama ko yung mga dancer.”
Read: Vice Ganda censored in Malaysia's Eurovision Asia broadcast