PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gong Yoo fan gets handshake after telling him it's her birthday

Libert Constiniano shares unforgettable moment with Korean superstar Gong Yoo.
by Jojo Gabinete
Published A day ago
gong yoo fan meeting
A Filipino fan of Gong Yoo found a clever way to get the Korean superstar's attention during his Manila fanmeeting. Despite the no-touch rule, Liberty Costiniano managed to shake his hand after telling him it was her birthday.
PHOTO/S: Liberty Constiniano / Gong Yoo Faceboo

Parang nakakita ng aparisyon ang avid fan ni Gong Yoo na si Liberty Costiniano nang makaharap niya nang personal ang kanyang iniidolong South Korean superstar.

Hindi lamang niya nakita nang malapitan ang aktor kundi nahawakan pa niya ang kamay nito sa Gong Yoo Asia Fanmeeting Tour: The Long Take, na ginanap noong Sabado, Nobyembre 21, 2026, sa Smart Araneta Coliseum, Cubao, Quezon City.

Naging tagahanga ni Gong Yoo si Liberty matapos niyang mapanood noong 2016 ang South Korean series na Guardian: The Lonely and Great God, na mas kilala sa Pilipinas bilang Goblin.

Kaya naman nang ianunsiyo noong Hulyo 2026 ang fanmeeting tour ng aktor sa Pilipinas, agad itong pinaghandaan ni Liberty.

Isa siya sa mga unang bumili ng VIP ticket sa online ticket selling noong Setyembre 19, 2026.

Kabilang sa perks ng VIP ticket holders ang Hi-Bye session kasama si Gong Yoo. Gayunman, hindi pinapayagang hawakan o kunan ng litrato nang solo ang aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad ni Liberty sa Cabinet Files: “Yung Hi-Bye, tumatagal lang ng ten to fifteen minutes para sa VIP ticket holders. Nakapila kami tapos nakatayo lang si Gong Yoo sa harap namin.

“Dadaanan lang namin siya tapos magha-hi at goodbye kami sa kanya. Bawal ang touch.

“Dati kasi, sa ibang mga fanmeeting, merong Hi-Touch sa Korean stars. Magha-hi kami sa kanila tapos puwedeng makipag-handshake sa kanila.

"Ngayon, Hi-Bye na lang.”

Read: James Yap speaks up about surprise reunion with son Bimby at hospital

LIBERTY'S BIRTHDAY SURPRISE

Noong Nobyembre 15, 2026 ang kaarawan ni Liberty.

Naisip niyang gamitin ito upang makuha ang atensiyon ni Gong Yoo sa mahigpit na Hi-Bye session, kung saan mahigpit na nagbabantay ang Korean production staff.

May tatlong raffle draw para sa mga fanmeeting attendees. Kabilang sa mga premyo ang group photo kasama si Gong Yoo at isang photo album.

Hindi pinalad si Liberty na manalo sa alinman sa mga raffle, kaya naisip niyang gumawa ng sariling paraan para magkaroon ng pagkakataong makausap ang kanyang iniidolo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“May tatlong raffle draw kasi. Ang mananalo, may group photo with Gong Yoo. May mapapanalunan din na photo album. Parehong hindi ako nanalo.

“So sabi ko, gagawa ako ng paraan. Naisip ko na sasabihin ko kay Gong Yoo na birthday ko,” kuwento niya.

Sa mismong Hi-Bye session, sinamantala ni Liberty ang pagkakataong mapansin siya ng aktor.

“Sa pila, may dalawang mommies na nauuna sa akin. Kinausap sila ni Gong Yoo, tapos nung lumingon siya sa akin, sinabi ko na ‘It’s my birthday!’

“‘Huh?’ reaksiyon ni Gong Yoo.

“Inulit ko kasi hindi niya naintindihan ang sinabi ko, ‘It’s my birthday!’

“Sabi niya, ‘Oh, happy birthday!’

“Inabot niya sa akin yung kamay niya so nakipag-handshake ako sa kanya.

"Nung nakita kami ng mga Korean female staff, pinaalis nila ako. Sabi nila, ‘Go, go, go!’” natatawang kuwento ni Liberty.

Hindi pa rin makapaniwala ang fan na nagawa niyang makipag-handshake sa kanyang hinahangaan.

“Ang lambot ng kamay niya pero walang amoy dahil inamoy ko ang kamay ko after ng handshake namin. Walang amoy!” natatawa niyang dagdag.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: James Yap speaks up about surprise reunion with son Bimby

GONG YOO FANMEETING EXPERIENCE

Naganap ang Hi-Bye session pagkatapos ng fanmeeting, na nagsimula nang 6:10 p.m. at natapos nang 9 p.m.

Pero ala-una pa lamang ng hapon ay nasa Smart Araneta Coliseum na si Liberty.

Lahad niya: “Sumali ako sa Gong Yoo Philippines Official Fan Club kaya maaga akong pumunta sa venue para sa mga free Gong Yoo merchandise. May oras kasi ang pagkuha.

“Kumain at tumambay muna ako sa Gateway Mall dahil 4:30 P.M. nang magpapasok sa Araneta Coliseum.

“Si Anne Curtis ang host, magaling siya. Kinikilig din si Anne kay Gong Yoo pero professional pa rin siya.

“Gustong-gusto rin niya si Gong Yoo na puro mga tita na ang fans.

“Tatlong beses na kumanta si Gong Yoo.

"'Mahal kita, salamat' ang Tagalog words na sinabi ni Gong Yoo pero bawal talaga na magpa-picture sa kanya nang solo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagpapatuloy ni Liberty: “Si Julie Eigenmann, yung asawa ni Michael de Mesa, isa sa mga naimbitahan na umakyat sa stage at mag-participate.

“Tuwang-tuwa si Gong Yoo sa kanya kasi naka-uniform siya tulad ng costume ng partner ni Gong Yoo sa Goblin,” pagbabahagi ni Liberty tungkol sa ilan sa mga naging eksena sa fanmeeting.

Julie Eigenmann (center) with Gong Yoo and Anne Curtis
Julie Eigenmann (center) with Gong Yoo and Anne Curtis

Para kay Liberty, isang hindi malilimutang karanasan ang personal na pagkikita nila ng kanyang iniidolo.

Bukod sa nakipag-handshake siya kay Gong Yoo, binati pa siya nito ng happy birthday.

“Masayang-masaya po ako dahil once-in-a-lifetime experience ito. Hindi ko alam kung babalik pa siya sa Pilipinas,” pahayag ni Liberty.

Read: Vice Ganda censored in Malaysia's Eurovision Asia broadcast

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A Filipino fan of Gong Yoo found a clever way to get the Korean superstar's attention during his Manila fanmeeting. Despite the no-touch rule, Liberty Costiniano managed to shake his hand after telling him it was her birthday.
PHOTO/S: Liberty Constiniano / Gong Yoo Faceboo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results