PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vlogger Geo Ong apologizes after LTO flags motorcycle violations

Geo Ong identified in an LTO Show Cause Order over helmet, traffic violations.
by Jojo Gabinete
Published A day ago
geo ong motorcycle violations
Rapper and vlogger Geo Ong, father of PBB Collab 3.0 housemate Jeo Ong, was identified as the personality issued an LTO Show Cause Order over alleged motorcycle violations. His driver's license was placed under 90-day preventive suspension.
PHOTO/S: Geo Ong Facebook

Hindi pinangalanan ng Land Transportation Office (LTO) ang kilalang vlogger na inisyuhan nito ng Show Cause Order (SCO) dahil sa hindi pagsusuot ng helmet habang sakay ng motorsiklo.

Gayunman, natukoy ang pagkakakilanlan ng social media personality matapos tumugma ang larawang ibinahagi niya sa Facebook sa blurred photo na inilabas ng ahensya.

lto post geo ong
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang rapper at vlogger na si Geo Ong, ama ni Pinoy Big Brother Collab 3.0 housemate Jeo Ong, ang tinukoy na sangkot sa insidente.

Inatasan siyang magtungo sa LTO Palawan District Office sa Nobyembre 24, 2026.

Ayon sa press statement ng LTO, may mga video at larawang nagsisilbing matibay na ebidensya na nagmamaneho ang vlogger ng motorsiklo sa pampublikong kalsada nang walang suot na standard protective helmet.

Wala ring helmet ang dalawa niyang angkas.

Kasama rin niya ang iba pang mga rider na hindi nakasuot ng helmet habang kinukunan niya ng larawan ang sarili habang nagmamaneho.

geo ong post
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tatlong paglabag ang nakasaad sa SCO: hindi pagsusuot ng itinakdang standard protective motorcycle helmet; pagsasakay ng higit sa isang backrider o overloading; at reckless driving dahil sa pagkuha ng larawan o video habang nagmamaneho.

Dahil dito, isinailalim sa 90-araw na preventive suspension ang driver's license ng vlogger.

Inilagay rin sa alarm ang kanyang lisensya at ang mga motorsiklong sangkot habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Read: Ruffa Gutierrez reveals Annabelle Rama, Sarah Lahbati reconciled long ago

GEO ONG ADMITS MISTAKE

Nakumpirma ang pagkakasangkot ni Geo matapos siyang maglabas ng pahayag sa social media noong Sabado, Nobyembre 21, 2026, kung saan inamin niya ang pagkakamali at humingi ng paumanhin.

“My Bad guys! Mali tayo mali. Kaya tanggap lang.

"Joke lang lahat ng ito para happy lang. Tama si Tito Rendon dapat safety ang pinapalaganap.

"Mali tayo dito fam. Sorry sorry.

"Di na mauulit sa abot ng ating makakaya.

"Wag tularan ha. Safety first.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Sabi nga, Pag nagkakamali Tanggapin at matuto mula rito. Love y'all Fam.”

geo ong post

Kinabukasan, Linggo, Nobyembre 22, nag-post din si Geo ng cryptic message na may nakasaad na “8am, 11/23/26 East Avenue Diliman,” na tila pahiwatig sa nakatakda niyang pagpunta sa LTO office sa Quezon City sa Lunes.

geo ong post
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpahayag din siya ng kagustuhang makatulong sa iba pang may kailangang asikasuhin sa ahensya.

“Nais ko lamang pong makatulong. Sa mga may kailangan ding asikasuhin doon sabay sabay tayo, para mabawasan din tayong may mga kakulangan sa pagsunod sa batas, maasikaso na natin.

“At s’yempre para makabawas sa sakit ng ulo ng mga nagpapatupad ng batas sa araw-araw lalo na sa kalsada.

“Layunin natin na palaganapin ang tama sa Pilipinas nating mahal, mga KMGNK, kaya dapat wala tayong pagkukulang lalo na sa pagsunod sa kagalang-galang na batas ng ating napakaganda at maunlad na bansa,” mensahe ni Geo.

Read: James Yap speaks up about surprise reunion with son Bimby

LTO ON GEO ONG'S ALLEGED VIOLATIONS

Nagbigay naman ng paalala si LTO Assistant Secretary Markus Lacanilao tungkol sa responsibilidad ng mga vlogger na maging mabuting halimbawa sa kanilang mga tagasubaybay.

“Bilang vlogger, may responsibilidad siyang maging maingat sa mga kilos na ipinapakita niya sa publiko dahil maaari itong gayahin ng kanyang mga tagasubaybay.

"Hindi dapat isinasantabi ang kaligtasan para lamang makakuha ng larawan o video na maibabahagi sa social media.

"Kailangang nakatuon ang buong atensyon sa pagmamaneho sa lahat ng oras,” pahayag ni Lacanilao.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rapper and vlogger Geo Ong, father of PBB Collab 3.0 housemate Jeo Ong, was identified as the personality issued an LTO Show Cause Order over alleged motorcycle violations. His driver's license was placed under 90-day preventive suspension.
PHOTO/S: Geo Ong Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results