PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sylvia Sanchez denies Maine Mendoza, Ria Atayde snubbed each other

Sylvia Sanchez says a viral video failed to show the whole story.
by Jojo Gabinete
Published 3 days ago
maine mendoza ria atayde snubbing rumor
Sylvia Sanchez sets the record straight on rumors that daughter Ria Atayde and daughter-in-law Maine Mendoza ignored each other at the Moonglow premiere.
PHOTO/S: X (Twitter) / Instagram

Wala umanong katotohanan ang kumakalat na isyung hindi pinansin ni Ria Atayde ang kanyang hipag na si Maine Mendoza nang magkita sila sa premiere night ng Moonglow noong Nobyembre 20, 2026.

Idinaos ang premiere ng romantic thriller sa isang sinehan sa Quezon City.

Bida sa pelikula si Arjo Atayde, asawa ni Maine, habang isa naman si Ria sa mga producer ng proyekto.

Pinabulaanan ng ina nina Arjo at Ria na si Sylvia Sanchez ang maling interpretasyon sa isang video clip na kumalat sa social media.

Ayon sa kanya, hindi ipinakita ng naturang video ang kabuuan ng mga pangyayari.

Bago magsimula ang Sunday night entertainment talk show na Kalurks ng GTV, tinawagan ni Sylvia sa cellphone ang host nitong si DJ Jhai Ho upang linawin ang isyu.

Mariin niyang itinanggi ang malisyosong tsismis na may problema sa relasyon nina Maine at Arjo, na naging usap-usapan dahil sa kumalat na video.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: James Yap speaks up about surprise reunion with son Bimby at hospital

SYLVIA SANCHEZ ON RIA ATAYDE, MAINE MENDOZA'S RELATIONSHIP

Detalyadong ikinuwento ni Sylvia na magkasama at magkatabi sina Ria at Maine sa loob ng sinehan.

Nagkuwentuhan pa umano ang dalawa, mga tagpong hindi nakunan ng video.

Diumano, nagpakuha pa ng litrato sina Maine at Ria.

Nang matapos ang screening, si Arjo ang agad na nilapitan ni Ria.

Samantala, nakita namang nasa isang tabi si Maine, kaya nagkaroon ng hinalang hindi nagpansinan ang magkapatid sa batas.

Mariing itinanggi ni Sylvia na may alitan ang kanyang anak na si Ria at ang manugang niyang si Maine.

Ipinaliwanag din niya kay DJ Jhai Ho na normal lamang kina Maine at Arjo ang ganitong kilos.

Kapag si Maine ang bida sa isang pelikula, nasa isang tabi lamang si Arjo.

Ganoon din naman umano ang ginagawa ni Maine kapag si Arjo ang sentro ng proyekto at atensyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang paglilinaw ni Sylvia ay paalala na hindi dapat agad paniwalaan ang mga video clip na kumakalat sa social media, lalo na kung hindi ipinapakita ang buong pangyayari.

Mahalagang mapanood ang simula, gitna, at katapusan ng isang insidente bago magbigay ng konklusyon upang hindi basta-basta malinlang ng mga kuwentong maaaring ginagamit lamang para lumikha ng intriga.

Read: Cianne, Nicole evicted from PBB; Robbie exits as livestream ends

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sylvia Sanchez sets the record straight on rumors that daughter Ria Atayde and daughter-in-law Maine Mendoza ignored each other at the Moonglow premiere.
PHOTO/S: X (Twitter) / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results