PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

LTO chief Markus Lacanilao slams Geo Ong's helicopter arrival

Geo Ong tells supporters not to copy his no-helmet mistake.
by Jojo Gabinete
Published 20 hours ago
geo ong helicopter ride
Geo Ong's helicopter arrival at the LTO office did not sit well with LTO Chief Markus Lacanilao. The vlogger, meanwhile, tells his supporters not to imitate his mistake of riding a motorcycle without a helmet.
PHOTO/S: Facebook

Hindi nagustuhan ni Land Transportation Office (LTO) Chief Markus Lacanilao ang umano'y pagyayabang ng rapper at vlogger na si Geo Ong nang magtungo ito sa tanggapan ng ahensiya sakay ng helicopter.

Binigyan si Ong ng Show Cause Order (SCO) at inatasang personal na magtungo sa LTO upang magpaliwanag tungkol sa mga umano'y paglabag niya sa mga patakaran sa kalsada.

Kabilang dito ang pagmamaneho ng motorsiklo nang walang helmet at pagkuha ng selfie habang nagmamaneho.

Sa panayam ng mga miyembro ng media kay Lacanilao, na naghintay sa pagdating ni Ong sa LTO Quezon City office, nagpahayag ng pagkadismaya ang opisyal sa ginawa ng vlogger.

“Big time pala. So, dapat maging halimbawa lalo na kung nakakaluwag-luwag ka sa buhay at sikat ka, dapat maging halimbawa ka, lalong-lalo na sa mga kabataan.

“Hindi yung magyayabang ka, magcha-chopper ka pumunta sa opisina ng gobyerno, hindi po katanggap-tanggap yan,” saad ni Lacanilao.

Ang tinutukoy ni Lacanilao ay ang pagpunta ni Ong sa Metro Manila mula Ilocos Sur sakay ng helicopter.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ibinahagi ni Ong sa kanyang Facebook page ang mga video at larawan ng helicopter ride nila ng kanyang mga kasama patungo sa LTO office sa Quezon City.

“Papunta na Chief! Airborne to Diliman,” caption ni Ong sa kanyang mga post.

Sinundan pa niya ito ng komento na “Bawal pa mag-drive sa Land.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ikinadismaya ito ni Lacanilao.

Read: Vlogger Geo Ong apologizes after LTO flags motorcycle violations

GEO ONG: "DO AS I SAY, NOT AS I DO"

Nang makausap naman ng mga reporter ng vlogger, ipinaliwanag ni Ong ang kanyang panig at inaming nagkakamali rin siya.

Saad niya: “As I say, do as I say not as I do because I’m human too.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Tao rin kami, minsan nagkakamali so hindi lahat ng ginagawa namin, dapat ninyong tularan.

"Minsan, kung ano yung sinabi namin, natutunan na namin yung isang bagay kaya namin nasasabi sa inyo kung bakit ito yung dapat ninyong gawin.

“So, yung nagawa naming kamalian, natutunan na namin at yung tamang gawain, yun ang isinasalin namin sa inyo, hindi yung kamalian.

"Kasi hindi kami matututo kung hindi kami nagkamali.

“Kami po ay isang pamilya na gumagawa ng memories at ina-upload namin sa YouTube in case po na mabura lahat ng files namin sa hard drive, mapapalitan po namin sa online.

"You can call us whatever you want but it’s just adventure.”

Dumating si Ong at ang kanyang mga kasama sa LTO Quezon City office nitong Lunes ng tanghali, Nobyembre 23, 2026.

Mistulang fan meet ang naging dating ng pagpunta niya dahil inabangan at dinumog siya ng kanyang mga tagahanga.

geo ong lto
Geo Ong meets with his supporters outside LTO building
Photo/s: Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: James Yap speaks up about surprise reunion with son Bimby at hospital

GEO ONG BRINGS HIS "RELATIVES" TO LTO

Sa naging pahayag ni Ong, lumitaw na siya mismo ang nag-imbita sa kanyang mga tagasuporta, na tinatawag niyang “Kamag-anak,” na magtungo sa LTO office.

Ipinaliwanag niya sa mga dumating kung bakit niya sila pinapunta roon.

“Gusto ko lang sabihin na kaya ko kayo pinapunta dito, hindi man tayo marami ngayon, kaunti lang tayo ngayon, pero gusto ko lang iparating, may videos naman. Alam ko na makakarating ito sa kahit anong sulok ng Pilipinas.

“Do as I say not as I do. Kung ano yung ginawa kong kamalian na hindi ako nag-helmet, sana huwag ninyong tularan.

"At sana, lahat ng mga kamag-anak namin, mas proteksiyunan ninyo ang sarili ninyo dahil unang-una, yung Land Transportation Office ay hindi nila hangarin na mapahamak tayo kaya gusto nila naka-helmet tayo.”

Read: Sylvia Sanchez denies Maine Mendoza, Ria Atayde snubbed each other

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Geo Ong's helicopter arrival at the LTO office did not sit well with LTO Chief Markus Lacanilao. The vlogger, meanwhile, tells his supporters not to imitate his mistake of riding a motorcycle without a helmet.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results