Nanguna sa mga pinakapinapanood na programa sa Viva One ang Philippine adaptation ng South Korean series na Fight for My Way mula nang magsimula itong mag-stream noong Nobyembre 20, 2026.
Pinagbibidahan ito nina David Licauco, Ashtine Olviga, Aubrey Caraan, at McCoy de Leon.
Nagpasalamat si David sa mga tumangkilik sa pilot episode ng serye, na nagsisilbi ring una niyang proyekto para sa Viva One.
“Thank you for watching the episode one of Fight for My Way,” mensahe ng aktor sa mga manonood.
Samantala, ikinatuwa ni Ashtine ang positibong feedback na natanggap nila ni David matapos ang unang pagtatambal sa Tagalog adaptation ng Fight for My Way.
Marami sa mga netizen ang pumuri sa kanilang chemistry at sa casting ng serye.
Ilan sa mga komentong ibinahagi ng viewers ay:
“Malakas ang chemistry nina David at Ashtine!"
“Ang galing ng AshVid. Perfect talaga ang casting, nakakatawa ang Episode 1."
“They deserve appreciation."
“As predicted. As manifested! The universe is aligning for this power duo. Keep shining David and Ash!”

Nagpasalamat naman si Ashtine sa mga nag-abang at nanood ng unang episode.
“Maraming-maraming salamat po sa lahat ng mga nag-abang para manood sa pilot episode ng Fight for My Way.
"Sana po na-enjoy ninyo and thank you so much po kasi nababasa namin ang mga reaction ninyo from watching episode one and sobrang natutuwa kami sa feedback na nakukuha namin sa inyo,” sabi ng aktres.
Read: Jehza Huelar-Simon finds strength in faith after husband PJ Simon's death
AUBREY CARAAN, MCCOY DE LEON THANK VIEWERS
Nagpahayag din ng pasasalamat sina Aubrey at McCoy sa mga positibo at nakahihikayat na komento ng mga manonood.
Ayon sa kanila, malaking inspirasyon ang suporta ng viewers upang lalo pa nilang pagbutihin ang kanilang trabaho.
“Maraming-maraming salamat po sa inyong suporta sa Episode 1 ng Fight for My Way.
"We’re so grateful, we’re so happy sa feedback ninyo and we hope na sana suportahan ninyo po at panoorin ang mga susunod pa na episodes,” mensahe nina Aubrey at McCoy.
Read: LTO chief slams Geo Ong's helicopter arrival: "Hindi katanggap-tanggap."