PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Miss Universe 2026 winner Jennifer Barreto faces online backlash

Jennifer Barreto's Miss Universe win questioned in edited Wikipedia entry
by Jojo Gabinete
Published 2 days ago
jennifer barreto miss universe 2026
Miss Universe 2026 winner Jennifer Barreto is facing online backlash following her victory in host country Puerto Rico. Minutes after she was crowned, a netizen edited her Wikipedia entry to include an accusation of cheating.
PHOTO/S: Facebook

Bukod sa mga paratang na “hometown decision” at pambabatikos online sa Puerto Rico at sa kinatawan nitong si Jennifer Barreto, naging puntirya rin ng netizens ang Wikipedia page ng bagong Miss Universe.

Ilang minuto matapos ideklarang 75th Miss Universe si Barreto, agad na binago ng isang netizen ang kanyang Wikipedia entry at naglagay ng komentong kumukuwestiyon sa pagkapanalo nito.

Nakasaad sa binagong entry: “She represented Puerto Rico at Miss Universe 2026, which was held in the archipelago and island and won the 75th edition, being the first mother to win the event in the history. And [she] won by cheating.”

jennifer barreto wikipedia
Photo/s: Wikipedia
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gumawa ng kasaysayan si Barreto bilang kauna-unahang ina na nagwagi sa Miss Universe.

Gayunman, hindi naging katanggap-tanggap sa ilang pageant fans ang kanyang pagkapanalo, lalo na't ginanap ang kompetisyon sa sarili niyang bansa.

Kung hindi sa Puerto Rico ginanap ang 75th Miss Universe at iba ang nagwagi, maaaring hindi naging ganito katindi ang mga kuwestiyon at batikos na kinaharap ng bagong reyna.

Read: Miss Universe 2026: Puerto Rico wins crown, Bea Windorski is 3rd runner-up

DAYANARA TORRES CHOOSES PUERTO RICO

Isa sa mga naging commentary host ng 75th Miss Universe si Dayanara Torres, na kinoronahang Miss Universe 1993.

Kasama niya sa commentary panel ang American television personality na si Zuri Hall.

Nang tanungin ni Zuri kung sinong kandidata ang nais niyang manalo, maingat na sumagot si Dayanara: “My girl [Puerto Rico].”

Hindi kataka-taka ang sagot ng dating Miss Universe dahil kababayan niya si Barreto, at ginaganap ang kompetisyon sa kanilang bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa 74th Miss Universe na ginanap sa Thailand noong Nobyembre 21, 2025, naging bukas naman si Dayanara sa pagpapahayag ng suporta sa Philippine bet na si Ahtisa Manalo.

Naging commentary host din siya sa naturang edition.

Nang makapasok si Ahtisa sa Top 30, masayang-masaya ang naging reaksiyon niya.

“I am so happy for the Philippines! She truly deserves to be there,” pahayag ni Dayanara.

Nagkaroon din ng biruan noon sa pagitan ni Dayanara at ng kapwa commentary host niyang si R'Bonney Gabriel, Miss Universe 2022 na Filipino-American.

Nang sabihin ni R'Bonney na gusto niyang maging host ng 75th Miss Universe na gaganapin sa Puerto Rico at magpapaampon siya kay Dayanara, sinabi ng huli: “Just like the Philippines adopted me as a Pinay by heart.”

r'bonney gabriel dayanara torres
Miss Universe 2022 R'Bonney Gabriel and Miss Universe 1993 Dayanara Torres at Miss Universe 2025.
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Natupad ang pangarap ni R'Bonney dahil napili siyang maging host ng 75th Miss Universe kasama ang American television personality na si Mario Lopez.

Read: FULL TRANSCRIPT: Miss Universe 2026 Top 5 Final Q&A portion

MISS UNIVERSE 75TH ANNIVERSARY CELEBRATION

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Diamond Anniversary ng Miss Universe, inimbitahan at binigyan ng pagkakataong makilahok sa programa ang ilang dating titleholders.

Kabilang dito sina Miss Universe 2025 Fatima Bosch, Miss Universe 2024 Victoria Kjaer Theilvig, Miss Universe 2023 Sheynnis Palacios, Miss Universe 2011 Leila Lopes, Miss Universe 2006 Zuleyka Rivera, Miss Universe 1977 Janelle Commissiong, at Miss Universe 1996 Alicia Machado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gayunman, kung napaakyat din sa entablado sina Dayanara at R'Bonney, mas marami sanang dating titleholders ang naging bahagi ng pagdiriwang.

Para sa ilang tagamasid, kulang sa sigla ang naging selebrasyon para sa isang mahalagang milestone ng prestihiyosong beauty pageant.

Ginunita rin ang mga dating Miss Universe titleholders na pumanaw na.

Kabilang sa mga binigyang-pugay sina Miss Universe 1995 Chelsi Smith, Miss Universe 1974 Amparo Muñoz, Miss Universe 1970 Marisol Malaret, Miss Universe 1967 Sylvia Hitchcock, Miss Universe 1963 Ieda Maria Vargas, at Miss Universe 1962 Norma Nolan.

Napansin namang hindi naisama sa paggunita ang ilan pang dating titleholders na pumanaw na.

Kabilang dito si Miss Universe 1955 Hillevi Rombin, na namatay noong Hunyo 19, 1996; si Miss Universe 1958 Luz Marina Zuluaga, na pumanaw noong Disyembre 2, 2015; at si Miss Universe 1960 Linda Bement, na sumakabilang-buhay noong Marso 19, 2018.

OLD EVENING GOWN TRADITION RETURNS

Isa pa sa mga tampok sa 75th Miss Universe ang pagbabalik ng dating tradisyon sa evening gown competition.

Muling kinantahan ng mga batang babae ang mga kandidata habang inaabutan ng bulaklak ang mga nakapasok sa Top 12.

bea windorski miss universe 2026
Miss Philippines Bea Millan-Windorski during the Evening Gown competition of Miss Universe 2026

Ikinatuwa ito ni Dayanara dahil naranasan niya ang naturang tradisyon noong panahon niya bilang Miss Universe.

Para sa mga tagasubaybay ng pageant, naging magandang pagbabalik-tanaw ito sa dating format ng kompetisyon.

Gayunman, sa kabila ng pagdiriwang ng ika-75 anibersaryo, nananatiling malaking hamon sa Miss Universe Organization ang pagpapanumbalik ng kredibilidad ng patimpalak, lalo't patuloy itong nahaharap sa mga kontrobersiyang kinasasangkutan ng mga namumuno.

Read: Iranian singer Parastoo Ahmadi gets 74 lashes over online concert

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe 2026 winner Jennifer Barreto is facing online backlash following her victory in host country Puerto Rico. Minutes after she was crowned, a netizen edited her Wikipedia entry to include an accusation of cheating.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results