Muling pumirma ng kontrata si Bea Binene sa kanyang home studio na Viva noong Miyerkules, Nobyembre 25, 2026.
Buong suporta ang ipinakita sa aktres ng mga Viva executive, ang pamilya del Rosario, sa kanyang contract renewal.
“Very blessed and grateful” ang pakiramdam ni Bea sa patuloy na pagtitiwala ng Viva. Gayunman, hindi rin niya kinalimutang pasalamatan ang dati niyang network, ang GMA-7, na naging bahagi ng kanyang showbiz journey.
“Of course, I’m thankful sa mga pinanggalingan ko po and I’m always very grateful to GMA-7 but being with Viva since 2022, it has been such a very beautiful journey.
“Ang daming opportunities, grabe yung tiwala, grabe yung suporta, grabe po yung pagmamahal na ibinigay ng Viva sa akin.
“I’m very much looking forward for more years, for more beautiful moments, for more achievements, for all the wins at sa lahat ng mga guidance na ibibigay po ng Viva sa akin.”
Read: Miss Universe 2026 winner Jennifer Barreto faces online backlash
BEA BINENE'S CAREER HIGHLIGHTS
Tinanong din si Bea tungkol sa mga proyektong itinuturing niyang highlights ng kanyang showbiz career.
Binanggit niya ang mga naging karanasan niya sa GMA-7, kabilang ang pagsisimula niya sa StarStruck Kids at ang pag-usbong ng kanyang career sa Tween Hearts.
“Sa GMA, nung nag-start ako sa StarStruck Kids. Highlight din para sa akin yung Tween Hearts era.
"It’s such a very meaningful part of my career kasi yun ang mga oras na very very booked, busy, and blessed din tayo."

Para sa kanyang Viva projects, partikular na binigyang-diin ni Bea ang Golden Scenery of Tomorrow at ang pelikulang Pee Mak, na pareho niyang pinagbidahan kasama si Wilbert Ross.
“Dito po sa Viva, I would say is the series Golden Scenery of Tomorrow era and the Pee Mak era.
"Hindi lang highlights, e.
“Those are the moments, those are the projects that I’m very proud of, as in talagang niyayabang ko. Hindi ako nahihiya na i-promote yung show.
"Hindi ako nahihiya na i-promote yung pelikula kasi it’s really something that I’m very proud of,” saad ni Bea.
Naging mahalaga raw sa kanya ang Golden Scenery of Tomorrow dahil sa dami ng oportunidad at suportang natanggap niya mula sa Viva.

“Highlight sa akin ang Golden Scenery of Tomorrow kasi isa ito sa mga pinaka-main project ko sa Viva when I started.
“It opened so many opportunities. It gave us so much support.
"Hindi ko ine-expect na ganoon karaming suporta, hindi ganoong karaming pagmamahal ang mare-receive namin pero it’s something na sobrang nagpapasalamat ako."
Pagpapatuloy ni Bea: “And now, yung Pee Mak, of course we hope for the best. We always want the best for every project.
“I personally didn’t expect that it would to so well and now, we’re on our seven weeks sa cinema.
“Sobrang achievement na maka-reach ka ng fifth week, sixth week.
"Sobrang achievement na maka-reach ka ng PHP60 million, PHP80 million gross, now PHP120 million.
"So, highlight siya talaga, saka yung mga good feedback na nakuha namin mula sa mga tao.”

Read: PBB winner Keanna Reeves opposes PBB livestream shutdown: "Bakit ipinahinto?"