Ang kanyang pagpayat at ang pagkakagawa ng pelikulang 2nd Miracle in Cell No. 7 ang ilan sa mga itinuturing ni Aga Muhlach na mga milagro sa kanyang buhay nitong mga nakaraang buwan.
Si Aga ang bida sa pelikula, na opisyal na kalahok sa 52nd Metro Manila Film Festival (MMFF).
Sa media conference ng 2nd Miracle in Cell No. 7 nitong Huwebes, Nobyembre 26, 2026, sa Greyhound Café, Ayala Triangle Gardens, Makati City, tinanong siya ng Cabinet Files tungkol sa mga milagrong naranasan niya kamakailan.
“Yung pagpayat ko,” sagot ni Aga, na kapansin-pansin ang ipinayat at mas bumata ang hitsura dahil sa bagong gupit.

Inamin ng aktor na hindi niya inasahan na makakamit niya ang ganitong pagbabago sa kanyang pangangatawan.
“Hindi ko akalain na aabutin ko ito talaga. Isinarado ko pikit-mata. Sabi ko, gawin na natin, sagad-sagad talaga so isa yan.
“Saka yung paggawa ng pelikulang ito.
"Masasabi ko na at 57, parang okay na okay na talaga. Masaya na ako. Masayang-masaya ako.
"Wala na akong mahihiling pa talaga tapos may darating pa na ganito hanggang ngayon.
“Tapos meron pang papuri na ganito. Even yung sinabi sa akin na ‘This is your time,’ parang ang tagal ko nang time, always.
“Eighties, nineties, early 2000, 2010, 2020, 2022.
"So maraming salamat. Walang hanggang katapusan na mirakulo talaga.
"Wala talagang katapusan na mirakulo araw-araw so maraming-maraming salamat sa ating Panginoong Diyos.
"Maraming-maraming salamat sa mundong ito,” masayang pasasalamat ni Aga sa Diyos.
Read: Lotto winner gets PHP14.3M prize 12 years after ticket was burned
JODI STA. MARIA SHARES FAMILY'S MIRACLE
Si Jodi Sta. Maria naman ang kapareha ni Aga sa 2nd Miracle in Cell No. 7.
Tulad ni Aga, mayroon ding malaking milagro na nangyari sa buhay ni Jodi at ng kanyang pamilya.

Ibinahagi ng aktres ang pinagdaanang health challenges ng kanyang inang si Mercedita, na sumailalim sa major surgery matapos magkaroon ng problema sa puso.
“Hindi personally sa akin, sa family ko because we had a recent health scare.
"Actually, not really a health scare but merong health issue na nangyari sa family namin last year, which involved my mom.
“She had to go through a major surgery. She underwent a triple heart bypass operation.
"And years before that, she was able to survive two types of cancer, isang breast saka isang bone,” kuwento ni Jodi tungkol sa mga karamdamang matapang na hinarap ng kanyang ina.
Para kay Jodi, patunay ang patuloy na paggaling ng kanyang ina sa biyaya at awa ng Diyos.
“So parang when I looked at her and her life, it’s really a testament of God’s grace and mercy na kasi puwede naman hindi di ba?
"Puwede naman na hindi mabigyan ng extension yung life niya but she is with us today.
"She is recovering well and ang kasiyahan niya, e, mag-grocery, so ngayon nakakapag-grocery na ulit siya as if walang nangyari.
“So I believe, for me and my family, na yun ang greatest miracle na nangyari sa mga buhay namin itong season na ito.
“Hindi pa nakaka-count dun the so many seasons that has passed na iba’t iba rin yung miracles and different answered prayers.
"But it’s really parang God telling you that He is real and His love and mercy is upon us.”