Hindi man nagwagi ang Philippine representative na si Katrina Johnson sa Miss International 2026, naghatid naman ng karangalan sa bansa ang Filipino international fashion designer na si Louis Pangilinan ng San Pablo City, Laguna.
Ang kanyang likha ang isinuot ni Elizaveta Kuznetsova ng Moldova, na kinoronahang 64th Miss International noong Nobyembre 25, 2026, sa Tokyo Dome City Hall sa Shibuya, Tokyo, Japan.
Si Elizaveta ang kauna-unahang Miss International winner mula sa Moldova.
Sa panayam ng Cabinet Files, ikinuwento ni Louis kung paano nagsimula ang kanilang collaboration para sa final gown ng Moldovan beauty queen.
Nagkakilala sila sa pamamagitan ng Reign Management at ng stylist ni Elizaveta. May sarili na ring inspirasyon at vision ang beauty queen para sa kanyang magiging gown.
“I actually met her through her Reign Management and her stylist so technically I was endorsed by them to do the finals gown for Miss Moldova.
“Meron na siyang inspiration and vision on her final gown so what we did was I gave her my input on how to enhance and make the gown more fabulous and will match her personality and the Miss International pageant at the same time.
Overall it was a collaboration of her, her team and yours truly,” lahad ni Louis.
Read: Miss Moldova is crowned Miss International 2026; PH bet in Top 20
QUEEN-INSPIRED GOWN OF ELIZAVETA KUZNETSOVA
Tinanong ng Cabinet Files si Louis tungkol sa inspirasyon sa likod ng disenyo at kung sino ang nagdesisyon sa kulay ng final gown ni Elizaveta.
View this post on Instagram
“The inspiration was actually ‘Queen.’ She envisions herself as a queen.
“It was initially light blue color only then we decided to accentuate the gown with gold and white embellishment para mag-match sa inspiration niya,” sagot ng designer.
Bago ang Miss International competition, bumisita at nanatili rin sa Pilipinas si Elizaveta para sa pasarela training at iba pang paghahanda.
Dito nagkaroon ng pagkakataon si Louis na makilala nang personal ang beauty queen at pag-usapan ang disenyo ng kanyang gown.
“She’s staying here in the Philippines for her pasarela and other trainings, so we scheduled the meeting around Quezon City near kung saan siya nagte-training,” ani Louis.
Ibinahagi rin niya ang naging reaksiyon ni Elizaveta nang una nitong makita ang gown.
“Wooow! I look like a QUEEN!” that’s what exactly she said,” kuwento ni Louis.
Read:
LOUIS PANGILINAN DID NOT ATTEND THE MISS INTERNATIONAL 2026 FINALS
Hindi nakadalo si Louis sa coronation night ng Miss International 2026 sa Japan dahil nagkaroon siya ng karamdaman.
Gayunman, personal niyang naihatid ang gown kay Elizaveta bago ito lumipad patungong Japan.
“Unfortunately, I was not able to make it on the coronation night because I got sick.
“Before her flight going to Japan from here in the Philippines, a day before nasa kanya na yung gown. We delivered it to her personally and to send her good luck at the same time.
“Of course, very happy ako when she won, but siyempre, I’m still rooting to our very own Kat Johnson.”
Hindi pa nagkakausap sina Louis at Elizaveta matapos ang pagkapanalo ng Moldovan beauty queen, ngunit inaasahan niyang magkikita sila bago ang homecoming nito.
“Super busy pa siya. Siguro before her homecoming magmi-meet kami,” sabi ng designer.
Tiniyak din ni Louis na hindi rito matatapos ang kanilang collaboration.
Nakipag-ugnayan na raw sa kanya ang Reign Management para gumawa pa siya ng mga kasuotan para sa reigning Miss International.
Read: Miss Universe 2026 winner Jennifer Barreto faces online backlash