PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joanna Bacosa thanks fans for standing by son Eman after his loss

Joanna: "Mabuhay po tayong lahat pati na rin po sa mga bashers."
by Jojo Gabinete
Published 12 hours ago
Eman Bacosa Pacquiao and his mom Joanna Bacosa after the fight
Joanna Rose Bacosa hugs her son, Eman Bacosa Pacquiao, moments after his loss to Joshua Padual in the MinProBA super lightweight title bout. An hour later, mother and son go live on Facebook to thank fans for their support.
PHOTO/S: Joanna Bacosa on Facebook

Maluwag sa kalooban at punumpuno ng pananalampataya sa Panginoong Diyos na tinanggap ni Eman Bacosa Pacquiao at ng kanyang ina na si Joanna Rose Bacosa ang pagkatalo ng binata sa laban nila ni Joshua Padual.

Naganap ang fight para sa Mindanao Professional Boxing Association (MinProBA) Superlightweight title kahapon, Sabado, Nobyembre 28, 2026, sa Maramag Municipal Gym, Maramag, Bukidnoon.

Eman Pacquiao vs. Joshua Padual in Maramag Slugfest
Eman Pacquiao vs. Joshua Padual in Maramag Slugfest
Photo/s: Screen Grab from YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

lang oras matapos mapabagsak ni Joshua si Eman sa pamamagitan ng Technical KnockOut ( TKO) sa ikatlong round ng kanilang laban, pinasalamatan ni Joanna ang lahat ng mga sumuporta sa kanyang anak sa pamamagitan ng Facebook Live.

EMAN BACOSA PACQUIAO FEELS BLESSED

Makikita naman sa mukha ni Eman ang mga pasa sa kanyang mukha, pero walang bakas ng panghihinayang o kalungkutan dahil nakangiti siya nang sabihin niyang “blessed pa rin po kasi nandito ang Panginoon at family ko."

Pinasalamatan din niya ang mga supporters, maging ang bashers:

"Thank you po sa GMA sa suporta at saka sa GMA family ko at saka sa mga fans at saka bashers ko.”

Pinatotohanan ni Joanna ang pahayag ni Eman dahil natalo man ito, malinis at maayos umano ang laban ng kanyang anak at ni Joshua.

"We are blessed. We are thankful and tinanggap po namin yung result tonight. Malinis at maayos naman.

"Thankful kami at maraming salamat sa lahat ng mga nagmamahal kay Eman. Sobrang thankful,” ang umpisa ng halos walang katapusang pasasalamat ni Joanna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Grabe, ilang beses ko na pong nakita yung pagmamahal at suporta ninyo kay Eman. Manalo at matalo, talagang grabe yung ibinibigay ninyong pagmamahal at suporta kay Eman.

"Sobrang sarap ho sa pakiramdam. Maraming salamat ho sa mga taga-Maramag at sa mga nag-attend ng fight kanina.

“Grabe po yung pagmamahal ninyo kay Eman kahit ho natalo yung anak ko. Grabe pa rin po yung hiyawan, yung pagtanggap. Talagang masasabi kong napakabuti ng Diyos. Hindi man po kami pinalad na manalo pero sobrang …alam mo yung kasiyahan sa puso?

"Grabe, ang daming nagmamahal sa anak ko. Ang sarap sa pakiramdam.

"Heto, awa ng Diyos, thankful kami kay Lord.Okay kami, masaya ang kalooban. Hindi man nanalo pero masaya ang kalooban kasi napakabuti ng Diyos.”

Read: Eman Bacosa Pacquiao loses by third-round TKO in MinProBA title bout

joanna BACOSA also thanks the bashers

Hindi lamang ang Panginoong Diyos at ang mga sumusuporta kay Eman ang paulit-ulit na pinasalamatan ni Joanna dahil binanggit din niya ang mga bashers ng anak.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nakangiti ring binati ni Joanna si Joshua dahil sa tagumpay nito.

"Salamat sa Panginoon, safe yung anak ko, at congratulations din kay Joshua Padual. Congratulations sa iyo, MindaProBA Champ.

"Eman po is okay as long as ang Panginoon ay nananatili sa puso namin. Kahit ano po ang mangyari, mananatili kaming okay. Thank you po sa lahat ng mga nagmamahal kay Eman.

“Ano pa ba ang hihilingin namin sa Panginoon, e, sobrang buti ng Diyos? Mabuhay po tayong lahat pati na rin po sa mga bashers. Congratulations!

"Pero yun nga po, sige lang po. Nandito po tayo sa mundong ito, higit po sa lahat puwede tayong magsalita kung ano ang gusto ninyong sabihin.

“Nasa sa inyo pero yun nga sinasabi ko lang, as long as solid kami, buo pa rin.

"Buong-buo pa rin ang isang Eman Bacosa Pacquiao. Amen! To God be the glory!" pagtatapos ni Joanna.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joanna Rose Bacosa hugs her son, Eman Bacosa Pacquiao, moments after his loss to Joshua Padual in the MinProBA super lightweight title bout. An hour later, mother and son go live on Facebook to thank fans for their support.
PHOTO/S: Joanna Bacosa on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results