Aneurysm ang cause of death ng former actor na si Rolly Quizon na pumanaw kahapon ng 3 PM, March 15, sa Capitol Medical Center, Quezon City, sa edad na 59.

Napagkasunduan ng naulila na pamilya ni Rolly na iburol ang bangkay niya sa Mt. Carmel Shrine sa Doña Juana Rodriguez Avenue, New Manila, Quezon City.
Dadalhin ngayong hapon, March 16, sa Mt. Carmel Shrine ang mga labi ng anak ng Comedy King.
Nakatakda ang libing niya sa March 20, 2018.