Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Handwritten letters ng mga artista, naglalaman ng malalaking sikreto

by Jojo Gabinete
Mar 17, 2018

Hindi pa uso ang email at social media nang magsimula kami bilang columnist ng People’s Tonight.

May mga artistang naging kaibigan namin na masipag noon sa pagpapadala ng hand-written notes and letters na aming iniingatan hanggang ngayon.

Mababasa sa mga sulat ng mga artista ang kanilang mga kaligayahan at takot sa buhay, ang mga relasyon nilang may mga happy ending.

Pero mas marami ang malungkot ang katapusan dahil humantong sa hiwalayan.

Nang malaman ng isang kaibigan na nakatago at inaalagaan namin ang mga juicy letter ng mga celebrity, nag-suggest siyang isalin sa libro ang mga sulat dahil ito ang trend ngayon.

Na-inspire din siya sa ingay na nilikha ng controversial book ni Mark Bautista.

Ginamit na halimbawa ng aming kaibigan ang mga biography book ng mga deceased prominent American personalities, politicians, and Hollywood stars, na base sa kanilang mga diary at palitan ng correspondence sa mga kakilala nila.

Sinabi namin sa aming kaibigan na malabong maging libro ang mga sulat ng local stars na nasa pag-iingat namin.

Continue reading below ↓

Una, ayaw naming masira ang tiwala nila sa amin at pangalawa, mga buhay na buhay pa sila dahil ang mga career lamang nila ang namatay.

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Read Next
Read More Stories About
cabinet files
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results