Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Utol ni Nathalie Hart, 4th runner-up sa Ginoong Laguna 2018

by Jojo Gabinete
Mar 17, 2018

Inabot ng dalawang araw ang grand coronation ng Ginoo at Binibining Laguna 2018.

Nagsimula ito kagabi, March 16, Biyernes, 9 PM, at natapos kaninang madaling-araw, March 17, Sabado, 3 AM.

Bahagi ng Anilag, ang annual festival ng province ng Laguna, ang Ginoo at Binibining Laguna pageant.

Special guest sa coronation night si Gabby Concepcion.

Kabilang sa judges ang That’s My Bae member ng Eat Bulaga! na si Joel Palencia, at si Cynthia Thomalla, ang reigning Miss Eco Philippines 2017.

Candidate No. 7 sa Ginoong Laguna si Lord Kenneth Snell, ang younger brother ng sexy actress na si Nathalie Hart, na Princess Snell ang tunay na pangalan.


Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos

Hindi puwedeng ipagkaila na inspired ng mga royal at noble rank ang mga Lord at Princess name na ibinigay kina Kenneth at Nathalie ng kanilang mga magulang.

Gaya ng pangako ni Kenneth, binigyan niya ng magandang laban ang mga katunggali.

Pero hindi pasado sa mga mga hurado ang sagot ng aspiring actor sa question-and-answer portion kaya 4th runner-up ang kanyang puwesto.


Continue reading below ↓

Si Robin Hanrath ng Bay, Laguna ang nanalo ng Ginoong Laguna 2018 title.

Si Jennifer Lamaitre ng Calamba naman ang Binibining Laguna 2018.

Si Jennifer rin ang Miss Millennial Laguna 2018, na official representative ng Laguna sa Miss Millennial Philippines, ang beauty contest with a cause ng Eat Bulaga.


Continue reading below ↓

Ginoong Laguna 2018 Robin Hanrath & Binibining Laguna 2018 Jennifer Lamaitre

Trivia: Si Richard Faulkerson Jr. aka Alden Richards ang Ginoong Laguna 2010.

First runner-up sa Ginoong Laguna 2011 ang former PBB Teen Edition 4 housemate na si Alec Dungo, na mas may future bilang medical student sa UST.

Second runner-up sa Ginoong Laguna 2012 ang GMA Artist Center contract star na si Jeric Gonzales.


Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
cabinet files
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results