Kahit mature characters ang ginampanan nila sa Never Not Love You, walang love scene sina James Reid at Nadine Lustre sa pelikula nilang may playdate sa March 31.
“Sadly, wala,” ang reaksiyon ni Nadine nang tanungin siya sa grand presscon ng Never Not Love You sa Expo Hall ng Fishermall kagabi, March 17, kung may love scene sila ng ni James.
Kung may inamin man si Nadine, ito ay ang pagkakaroon ng mga tattoo sa katawan, gaya ng karakter niya sa pelikula.
Ang kaibahan lang, may mga kahulugan ang lahat ng mga tattoo na ipinalagay ni Nadine sa katawan.
“My tattoos are form of art. People get tattoos like for memories. It’s for remembrance.
"Yung mga tattoos ko, meron siyang ibig sabihin sa akin talaga," ang pagtatapat ni Nadine.
Trivia: Walang mga tattoo sa katawan si James dahil ayaw ng kanyang ama, kahit gusto niya.
"My dad’s choice, not my choice," ang sabi ni James.