Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Pia Wurtzbach, bagong Romantic Comedy Queen ng Star Cinema?

by Jojo Gabinete
Mar 18, 2018

Si Ken Chan ang kasama ng host na si John Nite sa panonood ng last full screening ng My Perfect You sa Greenhills Promenade Cinema 5, noong Biyernes, March 16.

Puring-puri ni John ang acting ni Pia Wurtzbach at ang direksiyon ni Cathy Garcia Molina sa My Perfect You.

Hindi nag-iisa si John dahil marami ang nagkagusto sa performance ni Pia sa pelikula.


Continue reading below ↓

"Romantic Comedy Queen" ang title na ibinigay kay Toni Gonzaga dahil blockbuster ang mga romantic comedy movies na ginawa niya noong dalaga pa siya.

Nakaapekto sa career ni Toni ang pag-aasawa nito at nangyayari ito sa karamihan sa mga aktres.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Ang effortless acting na ipinamalas ni Pia sa My Perfect You ang isang rason na nakita ng moviegoers para siya ang maging bagong "Romantic Comedy Queen" ng Star Cinema.

Trivia: Naging ugali ni Cathy Garcia na pagamitin ng wig ang mga lead character ng kanyang pelikula dahil sa paniniwala na "Kaya nga ako pa-wig-wig kasi naaano ako kapag nakikita ko ang artista in the character, and I don’t want you to see yung suspension of disbelief when you watch."

Mali ang akala na nakaligtas si Pia sa habit ni Molina na pagamitin ng wig ang kanyang mga artista dahil sa huling eksena ng My Perfect You, pinagsuot niya ng wig ang former Miss Universe.

Continue reading below ↓

Pero sa lahat ng mga artista na pinagamit ni Molina ng wig, si Gerald Anderson ang binagayan sa pelikulang may English subtitles na hindi nabantayan dahil may mga maling spelling at maling translation.


Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results