Sandra Lemonon at Anjame Magbitang, sumablay sa Q&A ng Binibining Pilipinas 2018

by Jojo Gabinete
Mar 19, 2018

Sumablay sa question-and-answer portion ng Binibining Pilipinas 2018 ang mga kandidata na sina Anjame Magbitang at Sandra Lemonon.

Kinabahan pero nagpakatotoo si Lemonon nang sabihin nitong hindi niya alam ang isasagot sa tanong sa kanyang “What are your insights on the government’s build build program?"


Continue reading below ↓

"The insights of the government’s build build program? Actually, you know what, I studied so much for this Q& A but, sadly, that’s something that I don’t know really much about. But at least, I’m here trying to answer good question. Thank you,” ang sagot ni Lemonon.

Malaki ang potensiyal ni Magbitang na magkaroon ng beauty title, kung pagbabasehan ang physical appearance niya.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Pero nawala ang oportunidad dahil sa kanyang Janina San Miguel moment sa Q&A.

Si San Miguel ang dethroned Bb. Pilipinas-World titleholder noong 2008 na hindi nakaramdam ng pressure sa Q&A.

Si San Miguel ang youngest candidate ng Binibining Pilipinas 2008, at si Magbitang ang pinakabatang contestant ng Binibining Pilipinas 2018.

"When is the right time to listen and when is the right time to speak?" ang tanong kay Magbitang.


Continue reading below ↓

Sagot niya: "A time to listen if you are respected of the people who will talk and you will try to speak after the people who talk to you speak because there must be the best person…"

Verdict: Mas magaling sumagot kesa sa mga sumablay sa Q&A na aspiring beauty queens ng Binibining Pilipinas 2018 ang mga kandidata ng Miss Q&A ng It’s Showtime at mga contestant ng Super Sireyna at Suffer Sireyna ng Eat Bulaga! dahil sa kanilang mga witty at sensible na sagot sa Q&A, kahit matindi ang pressure na nararamdaman nila.

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results