Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Bb. Pilipinas 2018 candidate Sandra Lemonon, hinangaan dahil sa kanyang honesty

by Jojo Gabinete
Mar 19, 2018

Mula sa aming kinauupuan sa loob ng Smart Araneta Coliseum, nakita namin ang pag-console ni Catriona Gray kay Sandra Lemonon.


Si Sandra ang kandidatang hindi alam ang isasagot sa tanong tungkol sa insights niya sa build build program ng pamahalaan.

Ramdam ng lahat ang frustration ni Sandra pero hinangaan ang honesty na ipinamalas niya.

Continue reading below ↓

"Oh, I love her honesty. It’s better than lying," ang reaksiyon ni host na si Pia Wurtzbach sa pagpapakatotoo ni Sandra.

May friendship na nabuo sina Catriona at Lemonon dahil kapwa sila mga kandidata ng Miss World Philippines 2016.

Semi-finalist si Lemonon at si Catriona ang Miss World Philippines 2016 winner.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Gumawa si Catriona ng kasaysayan sa history ng local beauty pageant dahil napanalunan niya ang dalawa sa mga kinikilalang prestigious titles—ang Miss World Philippines at ang Miss Universe Philippines.

Umaasa ang fans at supporters ni Catriona na mangyayari sa kanya ang karanasan ni Michelle McLean ng Namibia.

Si McLean ang official representative ng Namibia sa 41st edition ng Miss World, na ginanap noong December 28, 1991 sa Georgia, USA. Pero 4th runner up lang ang puwesto na nakuha niya.

Si McLean ang ipinadala ng Namibia sa 41st Miss Universe na idinaos sa Bangkok, Thailand noong May 8, 1992. Siya ang nag-uwi ng korona.

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results