Karen Gallman, bumawi sa sagot niya tungkol sa restroom para sa transgenders

by Jojo Gabinete
Mar 20, 2018

Once a Binibini, always a Binbini.

Talk of the town ang newly-crowned Bb. Pilipinas-Intercontinental 2018 na si Karen Gallman dahil sa kanyang sagot na payag siyang magtayo ng third restroom para magkaroon ng “privatization” ang mga transgender.

Matapos mapanalunan ang Bb. Pilipinas-Intercontinental crown at nang mahimasmasan, bumawi si Gallman.

Sa pamamagitan ng Instagram, ito raw ang magiging sagot ni Karen sa tanong ng Binibining Pilipinas 2018 judge na si Precious Lara Quigaman kung muling mabibigyan ng pagkakataon:

"Yes, I believe there should be a third restroom for transgender.   

“However, only as an alternative, for those who are yet to fully embrace such a transitional change.

"Everyone is equal no matter what shape, sex, religion or race but in today's world, it's upsetting that we still have discrimination."

Ang privatization answer ni Gallman ang dahilan para magkaroon kami ng interes na alamin ang nakaraan niya.

Nalaman namin na 15 years old siya nang maging alaga ng talent manager na si Lito de Guzman noong 2008.

Continue reading below ↓


Continue reading below ↓
Recommended Videos

Naging member si Gallman ng all-female group na sing and dance ang forte, nagkaroon ng kontrata sa Alpha Records pero nabuwag agad ang grupo.


Continue reading below ↓

Lumaki si Gallman sa Australia at dito nakilala ni De Guzman ang nanay niya na unang nangarap na magkaroon ng anak na artista.

Si De Guzman ang manager ng Baywalk Bodies at ng former sexy stars na sina Ynez Veneracion, Ramona Rivilla, Hazel Espinoza, at Yda Manzano.

Bago naging talent ni De Guzman, isinali si Gallman ng kanyang ina sa "Little Miss Philippines," ang beauty contest for young girls ng Eat Bulaga.

Nang mabuwag ang all-female group nila, bumalik si Gallman sa Australia para ipagpatuloy ang pag-aaral.

Pero nagbalik-Pilipinas siya noong 2012, sumali at naging Miss Photogenic at 12 semi-finalist sa 49th edition ng Binibining Pilipinas.

Dahil hindi nagwagi, muling sinubukan ni Gallman ang kapalaran niya sa 55th Binibining Pilipinas noong Linggo, March 18.

Luckily, natupad ang kanyang pangarap na magkaroon ng beauty title, kahit hindi nangyari ang kagustuhan niyang makuha ang Miss Universe Philippines crown.

"I’m honest in saying I would have loved the Universe crown.

Continue reading below ↓

“However, Catriona Gray, you girl have been on fire the entire competition and did not skip a beat throughout coronation.

“Elegant and beauty with fierce energy, you have been crowned Miss World and now Universe for a reason.

"The international stage is yours and I have no doubt you will bring it home for all of us," sabi ni Gallman sa kanyang mensahe sa Instagram. 

What a whirlwind of an experience the past two months has been. I’m now proudly a miss Binibining Pilipinas queen who is going to represent our amazing country internationally for the Miss Intercontinental crown �??? I’m honest in saying I would have loved the universe crown however, @catriona_gray you girl have been on fire the entire competition and did not skip a beat throughout coronation. Elegant and beauty with fierce energy you have been crowned miss world and now universe for a reason. The international stage is yours and I have no doubt you will bring it home for all of us x If I had my moment again with the composure I needed in those 30 seconds....The words that didn’t resonate for me in that moment were to be “Yes I believe there should be a third restroom for transgender. However, only as an alternative, for those who are yet to fully embrace such a transitional change. Everyone is equal no matter what shape, sex, religion or race but in todays world, its upsetting that we still have discrimination”. I want to say thank you to all my fans, friends, family, KF camp and my BBP’18 sisters. Id like to also congratulate all the other crown winners, I love you all and it means the world to me to have shared this experience with you all �?��?

A post shared by Karen Gallman (@karengallman_) on

Postscript: Huling nagkausap sina De Guzman at Gallman kahapon, March 19.

Sinabi ni Gallman kay De Guzman na tatapusin muna nito ang kontrata sa Binibining Pilipinas Charities, Inc. at saka siya magpaplano kung ipagpapatuloy ang interrupted showbiz career niya.

Once a Binibini, always a Binibini.

Once a Binibini, your past will be discovered.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results