Bea Alonzo at Gerald Anderson, nag-break dahil kay Pia Wurtzbach?

by Jojo Gabinete
Mar 22, 2018

Ang pag-unfollow ni Bea Alonzo sa Instagram accounts ng kanyang boyfriend na si Gerald Anderson at kapwa Kapamilya na si Pia Wurtzbach ang big showbiz news kahapon, March 21.


Hindi rin nakaligtas sa matalas na paningin ng followers ni Bea ang deleted poster ng My Perfect You, ang Star Cinema movie nina Gerald at Pia, sa Instagram post ni Bea.

Continue reading below ↓

Binigyan ng kahulugan ang ginawa ng aktres.

Marami ang naghinalang may pinagdaraanang problema ang relasyon nila ni Gerald, at si Pia ang third party.

Mga komento ng pakikisimpatiya at encouraging words ang mababasa sa Instagram account ni Bea, samantalang si Gerald ay kinukuyog ng bashers at haters na pinararatangang babaero at two-timer.

At si Pia? Parang siya pa rin ang reigning Miss Universe dahil very 2015 ang comments sa Instagram account niya, na puro papuri sa kanyang physical beauty.

Pinupuri rin ng IG followers ni Pia ang My Perfect You, ang chemistry nila ni Gerald, at ang acting niya sa pelikula.

Conclusion: Bulletproof si Pia dahil posibleng may 24/7 administrator ang kanyang social media account na alerto sa pag-delete ng negative reactions.

Ito ang dahilan kaya good vibes at positive comments lamang ang mababasa, na nagbibigay ng malaking frustration sa detractors, bashers, at haters ni Pia.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results